Dating sikat na OPM singer, nangangailangan ng tulong pinansyal para sa pagkain at gamutan

Dating sikat na OPM singer, nangangailangan ng tulong pinansyal para sa pagkain at gamutan

- Binisita ni Julius Babao ang dating singer na si Coritha sa kanyang tahanan sa Tagaytay

- Bedridden na si Coritha at nahihirapan sa paghinga matapos ma-stroke

- Nag-abot si Babao ng Php50,000 bilang tulong pinansyal upang makatulong sa pagkain at gamot ni Coritha

- Lubos na nagpapasalamat si Chito Santos, ang partner ni Coritha, sa tulong na ibinigay ng broadcaster

Pinuntahan ng batikang broadcaster na si Julius Babao ang dating OPM singer na si Coritha sa kanyang tahanan sa Tagaytay, kung saan nalaman ang kanyang malungkot na kalagayan. Si Coritha, na bedridden na ngayon at nahihirapan sa paghinga, ay hindi na makapagsalita at limitado na ang mga galaw. Ang kanyang partner na si Chito Santos ang nagbigay ng mga detalye tungkol sa kanyang sitwasyon.

Dating sikat na OPM singer, nangangailangan ng tulong pinansyal para sa pagkain at gamutan
Dating sikat na OPM singer, nangangailangan ng tulong pinansyal para sa pagkain at gamutan
Source: Youtube

Ayon kay Chito Santos, na-stroke si Coritha kaya't naging bedridden ito. Hindi na siya makakilos ng maayos at halos hindi na rin makapagsalita. Bago mangyari ito, nasunugan si Coritha ng bahay at halos walang natirang kagamitan. Si Chito ang nagbigay ng suporta sa kanya noon, pinapadalhan ng pera, pagkain, at iba pang pangangailangan upang makabangon muli.

Read also

TVJ, pinaliwanag bakit wala sa big venue ang 45th anniversary ng Eat Bulaga

Kalaunan, hinikayat ni Chito si Coritha na sumama sa kanya sa Tagaytay at iwanan ang nasunog na bahay. Maayos silang nagsasama hanggang sa biglaang pag-atake ng stroke kay Coritha. Napag-alaman sa CT-scan na ilang beses na pala siyang nagkaroon ng mild stroke na hindi napansin. Sa kasalukuyan, nagpapagaling si Coritha sa bahay at gumagamit ng NGT (Nasogastric Tube) para sa kanyang pagkain.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa ngayon, si Coritha ay nangangailangan ng tulong pinansyal. Upang matulungan siya, nag-abot si Julius Babao ng Php50,000 bilang tulong pinansyal. Lubos na nagpapasalamat si Chito sa broadcaster, dahil malaking tulong ito para sa pagkain at gamot ni Coritha.

Si Coritha ay isang tanyag na OPM singer noong dekada 60 at 70, na nagpasikat ng mga awitin tulad ng "Sierra Madre," "Gising na, O Kuya Ko," "Lolo Jose," at "Oras na."

Read also

Celia Rodriguez, pinanindigan ang sinabing si Angel Locsin ang pinakamagaling na Darna para sa kanya

Nakapanayam din ni Julius ang dating aktres na si Cita Astals at naibahagi nito ang kanyang kasalukuyang kalagayan. Kabilang sa naitanong ni Julius Babao ay ang tungkol sa kumalat na picture niya noon kung saan sinabi daw na palaboy na lang daw ito.

Pinakita ni Julius sa kanyang vlog ang naging kalagayan ng komedyanteng si Dinkee Doo. Sa panayam ni Julius, napag-usapan nila ang tungkol sa naging buhay ni Dinkee noong aktibo pa ito sa showbiz.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Hot: