20-anyos na composer ng 'Pantropiko,' nagdetalye ukol sa sikat na awit ng BINI

20-anyos na composer ng 'Pantropiko,' nagdetalye ukol sa sikat na awit ng BINI

- Naibahagi ng 20-anyos na composer ng 'Pantropiko' paano nabuo ang sikat na awitinna ito ng BINI

- Maging ang bahagi ng awit na "Oh Shocks!" ay may nakakatuwang kwento

- Isa lamang ang Pantropiko sa kantang labis na pinasikat ng BINI

- Katunayan, ang pinabago nilang single na Cherry on Top ay mayroon nang 14 million views

Naidetalye ni Angelika Sam kung paano niya nabuo ang 'Pantropiko' na isa na ngayon sa popular na awitin ng grupong BINI.

20-anyos na composer ng 'Pantropiko,' Ikinuwento paano nabuo ang sikat na awitin ng BINI
20-anyos na composer ng 'Pantropiko,' Ikinuwento paano nabuo ang sikat na awitin ng BINI (@BINI_ph)
Source: Facebook

Naging panauhin si Angelika sa YouTube channel ni Kring Kim kung saan niya naibahagi ang detalye sa likod ng sikat na awitin na may popular ding dance steps.

"Sinearch ko po siya anong tagalog ng Tropical ganyan, pero I don't think na existing term talaga siya to begin with. Sinearch ko lang siya kung anong tagalog ng Tropical. Then bigla ko naisip... Islang Pantropika kasi tropical island."

Read also

Ice at Liza, 'Di nagpahuli sa "Salamin, salamin" dance craze

"Tropical Island is something na parang kayo lang 'yung nandun nung taong gusto mo."

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ayon pa kay Angelika, inalam din niya ang iba pang naunang kanta ng BINI upang talagang umakma ang ginagawang kanta para sa grupo.

Gayunpaman, nabanggit din niya na may ilan ding tumulong sa kanya upang mas mapaganda pa ang awitin.

Naitanong din kay Angelika kung paano nga ba nasama ang kinagigiliwang linya ng kanta na "Oh Shux!" na agaw-pansin sa awitin.

"Habang ginagawa ko 'yung song, may missing parts po siya. And then, sabi ko "Oh Shux! Wala na akong maisip. Ayun po, nilagay ko na rin po siya doon sa lyrics"

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan:

Ang BINI ay isang popular na Pinoy Pop girl group sa Pilipinas. Binubuo ito nina Aiah, Mikah, Colet, Stacey, Gwen, Maloi, Jhoanna at Sheena. Sila ang grupo sa likod ng mga awiting "Pantropiko", "Salamin," "Huwag muna tayong umuwi" at marami pang iba.

Read also

BINI Maloi, may makulit na komento sa bumati kay Carlos Yulo

Matatandaang minsan nang napuri ni Karen Davila ang grupo. Bukod umano sa husay ng mga ito sa kanilang larangan, kahanga-hanga ang kwento ng buhay ng bawat isa bago nila matamasa ang tagumpay ngayon. Sa naturang panayam din ni Karen sa grupo, naikwento ni Sheena ang pagpanaw ng ina sa kalagitnaan ng pandemic habang siya ay nasa training Star Hunt Academy.

Kamakailan, matagumpay nilang nadaos ang 3-day concert sa Quezon City na sinundan ng ilan pang mga BINIverse shows sa Baguio, Cebu at ngayo'y sa GenSan. Ilang araw lamang mula nang ilabas nila ang official music video ng bago nilang awitin na 'Cherry on top' sa YouTube, pumalo na ito sa 14 million views.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Tags: