MTRCB Chair Lala Sotto sa gesture ng kanyang magulang sa E.A.T: "There was no violation"
- Nagpaunlak ng panayam si MTRCB chairman Lala Sotto kay Ogie Diaz
- Isa sa kanilang natalakay ay ang tungkol sa umano'y video clip ng mga magulang niyang sina Tito Sotto at Helen Gamboa sa "E.A.T."
- Nilinaw niyang kahit pa umano mga magulang pa niya ito o programang kinabibilangan ng mga ito, ay kinakailangan nila panagutin
- Idinetalye rin nila ang proseso ng pagsuri sa mga palabas na nakalabag sa mga panuntunan ng kanilang departamento
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Isa sa mga binigyang linaw ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) chairman Lala Sotto ay ang lumabas na clip ng kanyang mga magulang na sina Tito Sotto at Helen Gamboa sa E.A.T.
Sa naturang video, makikita ang animo'y lambingan ng dalawa sa naturang programa.
May ilang nagsasabi na sana'y na-review rin ito ng MTRCB tulad ng pagtuon ng pansin ng mga ito sa umano'y 'icing incident' nina Vice Ganda at Ion Perez sa kanila namang programa na It's Showtime.
Ayon kay MTRCB chair, wala umanong nilabag ang kanyang mga magulang sa nasabing video.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
"Walang hindi angkop na ikinilos ang aking mga magulang sa nasabing show o programa. Walang paglabag sa aming MTRCB charter o sa presidential decree. There was no violation, walang malaswa, walang indecent," aniya.
Nabanggit din ang proseso ng kanilang paglilitis sa mga umano'y reklamo ng tagapanood sa mga kaganapan sa telebisyon lalo na ang mga live na napapanood na hindi agad masasala ang mga salita o gawaing nabibitawan ng mga artista o host.
At dahil sa pagdaan sa masusing proseso kung nararapat nga bang tawagin ang atensyon ng isang programang nakalabag sa alituntunin ng MTRCB, wala umanong kawala kahit sino pa ang mga taong masasangkot dito.
"Kahit E.A.T. pa yan kahit show pa yan na nandiyan ang nanay ko o ang aking ama. Natural. Because you are the MTRCB. 'Yun ang aming trabaho talaga. Na kapag may paglabag, we need to act on it. Hindi pwedeng hindi"
Narito ang kabuuan ng kanyang panayam mula sa Ogie Diaz YouTube channel:
Si Diorella Maria “Lala” Sotto-Antonio ay ang kasalukuyang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) chairman na na-appoint ni Pangulong Bongbong Marcos. Bago pa man siya mamuno sa MTRCB, nanungkulan siya sa Lunsod ng Quezon sa loob ng tatlong termino o 18 taon. Siya ay anak nina dating Senate President Vicente Sotto III at si Helen Gamboa Sotto.
Naging matunog ang pangalan ni Lala kamakailan dahil sa umano'y 'icing incident' nina Vice Ganda at Ion Perez sa It's Showtime. Marami ang umano'y nagsasabing madaling napansin ng departamentong pinamumunuan ni Lala ang naturang insidente subalit hindi raw nito napansin ang nagawa naman ng mga magulang nito sa programang E.A.T.
Hanggang ngayon, wala pa umanong nailalabas ang MTRCB kung nararapat nga bang managot ang It's Showtime sa nagawa ng kanilang mga host na umano'y hindi angkop lalo na at may kasama silang mga bata sa naturang programa.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh