Mariel Padilla, naranasang maiwanan ng ka-date matapos niyang mag-joke

Mariel Padilla, naranasang maiwanan ng ka-date matapos niyang mag-joke

- Naibahagi ni Mariel Padilla sa kanyang pinakabagong vlog episode na nagkaroon siya ng ka-date na iniwanan siya sa isang restaurant

- Ito ay matapos umano niyang mag-joke at agad umano itong nag-walk out at hindi na bumalik

- Kinailangan daw ni Mariel na tumawag sa kanyang kaibigan para maihatid siya pauwi

- Ito ang kanyang naibahagi sa vlog episode niya na guest niya si Bea Alonzo

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naikwento ni Mariel Padilla sa bagong vlog niya na mayroon daw siyang naka-date na iniwan siya sa restaurant. Hindi na daw siya nito binalikan matapos niyang magpatawa.

Mariel Padilla, Naranasang maiwanan ng ka-date matapos niyang mag-joke
Mariel Padilla, Naranasang maiwanan ng ka-date matapos niyang mag-joke (@marieltpadilla)
Source: Instagram

Kinailangan daw ni Mariel na tumawag sa kanyang kaibigan para maihatid siya pauwi. At iyon na daw ang huli nilang pagkikita ng lalaking kanyang naka-date.

Nagalit talaga siya. Parang nagpatawa ako, tapos napikon siya, tas umalis siya. Tapos after, yun na yun. Yun na yung last. Tapos after nun tumawag ako sa friend ko. "Can you pick me up and bring me home?"

Read also

Richard Gomez, nakwentong inalok na anakan niya ang isang aktres

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kabilang din sa kanyang pinakita ay isang bag na mula sa "The Mill" na pagmamay-ari ni Dani Barretto. Aniya, sobrang gamit na gamit ang naturang bag dahil hindi nababasa ang nasa loob ng bag dahil sa disenyo at materyal na ginamit sa naturang bag.

Si Mariel Rodriguez-Padilla ay isang Filipina model, endorser, television host, VJ at aktres. Siya ay isang American Citizen. Ikinasal sila ng actor na si Robin Padilla noong Agosto 19, 2010 sa Taj Mahal sa India. Nagkakilala sila nang minsang naging guest host si Robin sa Wowowee kung saan regular na co-host naman si Mariel ni Willie Revillame. Mayroon na silang dalawang anak, si Isabella at Gabriela.

Nagbahagi kamakailan ng picture si Mariel sa kanyang Instagram feed. Ito ay ang picture niya kasama ang kanyang dalawang anak na sina Isabella at Gabriela. Marami ang humanga at nakapansin sa kagandahan ng mag-iina kaya naman, marami ang nagkomento sa naturang post ni Mariel.

Read also

Michaela, naiyak at nagselos nang dalhin ng kanyang mommy na si Ethel Booba sa raket nito

Nagbigay naman ng babala si Mariel kaugnay sa fake account na nagkukunwaring siya. Sa binahaging screenshot ni Mariel, makikita na ang tinutukoy niyang fake account ay may handle na @marieltpadilla_. Dinagdagan lamang ng underscore ang dulo ng username kaya marami ang maaring maniwalang pagmamay-ari iyon ni Mariel. Makikita sa profile ng fake account na nang-eengganyo ito bilhin ang mga produktong tinitinda niya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel