RR Enriquez, todo puri kay Herlene Budol; "Nakaka-proud talaga 'tong babaeng 'to"

RR Enriquez, todo puri kay Herlene Budol; "Nakaka-proud talaga 'tong babaeng 'to"

- Pinuri ni RR Enriquez si Binibining Pilipinas 2022 First runner-up Herlene Budol

- Aniya, nakaka-proud umano ang mga tinatamasa nitong tagumpay kamakailan

- Aminado si RR na halos parehas sila ng pinagmulan ng dating 'Hipon Girl' na ngayo'y papasukin na rin ang International beauty pageant

- Kamakailan, gumawa ng ingay si Herlene sa social media matapos nitong maibahagi ang larawan nila ni Willie Revillame

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Napuri ni 'Sawsawera Queen' RR Enriquez si Binibining Pilipinas 2022 First runner-up, Herlene Budol.

RR Enriquez, todo puri kay Herlene Budol; "Nakakaproud talaga 'tong babaeng 'to"
Herlene Nicole Budol (@herlene_budol)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na tila nakaka-relate din si RR sa tagumpay na tinatamasa nito gayung pareho silang produkto ng programa ni Willie Revillame.

Ayon pa kay RR, hanga siya kay Herlene na dire-diretso ang pagsali nito sa mga pageant. Ang susunod ngang sasalihan nito ay ang Miss Planet International ngayong 2022 na gaganapin sa Uganda.

Read also

RR Enriquez kay Lolit Solis: "Kung nasa 70 plus na ako, 'di na ako sasawsaw"

"Nakaka-proud talaga 'tong babaeng 'to. Medyo nakaka-relate ako sa kanya. Parehas kaming nanggaling sa Wowowin. Parehas din kaming nanggaling sa hirap. Tapos pareho rin kaming naging host ni Kuya Wil. Ang kung anuman ang pinagdaanang ni Herlene sa pag-start niya sa showbiz, ganun din 'yung pinagdaanan ko," ani RR.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Todo puri talaga si RR kay Herlene lalo na at Miss Planet International representative na siya ngayong 2022 na gaganapin sa Uganda.

"Ako naniniwala kay Herlene, magaling sumagot 'tong batang ito, Kailangan lang talagang mag-practice. Sabi nga nila practice makes perfect," dagdag pa niya.

Narito ang kabuuan ng pahayag ni RR mula sa kanyang YouTube channel na RR Enriquez Sawsawera Queen:

Si Herlene Nicole Budol aka "Hipon" ay isang komedyante, aktres at nagsimula bilang TV host sa programang "Wowowin".

Read also

Buboy Villar, nagbihis bilang si Elsa para sa birthday ng kanyang anak

Nakilala si Hipon nang sumali siya sa "Willie of Fortune". Bagaman at hindi siya nanalo, hinahanap siya ng mga tagasubaybay ng programa kaya naman pinabalik siya ni Willie Revillame para maging isa sa kanyang mga co-host.

Aminado si Herlene na nabago ang kanyang buhay nang maging manager si Wilbert Tolentino.

Kamakailan lang nga humakot ng special awards si Herlene sa Binibining Pilipinas 2022 at nakamit din niya ang pwestong 1st runner-up.

Samantala, Isa na ngayon sa inaabangan linggo-linggo ang vlog ni RR Enriquez sa kanyang YouTube channel. Matapos kasi siyang mabansagang 'Sawsawera Queen', tila kinagiliwan na ng publiko ang kanyang mga 'honest opinion' sa mga isyu lalong-lalo na sa showbiz.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel