Ivana Alawi, inaming nakaka-chat si Joshua Garcia: "DM-DM lang"

Ivana Alawi, inaming nakaka-chat si Joshua Garcia: "DM-DM lang"

- Ibinuking ni Ivana Alawi na nagkaka-chat sila ng aktor na si Joshua Garcia

- Marami kasi ang natuwa sa kanyang 'fan girl' moment, nang batiin siya nito sa kanyang second anniversary niya sa YouTube

- Inamin ni Ivana na hinahangaan niya talaga ang aktor na nilarawan niyang tila 'family-oriented' din tulad niya

- Nais din niya sana itong makatrabaho balang araw lalo na at hindi pa raw niya ito nakikita sa personal

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nabanggit ni Ivana Alawi na nagkakausap sila ng aktor na si Joshua Garcia. Sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz, kinikilig na ikinuwento ni Ivana na nagkaka-DM sila ng hinahanggang aktor.

Nalaman ng KAMI na mula nang batiin siya ni Joshua sa kanyang second year anniversary sa YouTube, maraming netizens na ang kinilig para sa dalawa.

Read also

Lisa ng Blackpink, inspirasyon ni Ivana Alawi sa pagkakaroon niya ngayon ng short hair

Ivana Alawi, inaming ka-chat si Joshua Garcia: "DM -DM lang"
Ivana Alawi (Photo: @ivanaalawi)
Source: Instagram

Kaya naman diretsahan na tinanong ni Ogie kung ano nga ba ang nagustuhan ni Ivana kay Joshua.

"Cute 'yung mukha saka mabait siya, saka mukhang family-oriented," sagot ni Ivana.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nais din niya talaga itong makatrabaho minsan lalo na at hindi pa raw niya ito nakikita sa personal.

Kaya naman nang biruin siya ni Ogie na kasama nila si Joshua, makikita ang kilig ni Iva habang sinasabing "Alam ko 'yon, ka-chat ko siya... alam ko nasa taping siya. Wow! updated"

Subalit nang tanungin si Ivana kung iba-vlog pa ba niya sakaling ligawan siya ni Joshua, mariin niya itong itinanggi.

"Ang hirap kasi na bawat may mangyayaring maganda o bawat may manliligaw, iba-vlog mo agad It should be kept private"

Narito ang kabuuan ng panayam kay Ivana na mapapanood sa YouTube channel ni Ogie Diaz:

Read also

Regine Velasquez, nawindang sa score nang kantahin ang sariling awitin sa karaoke

Si Ivana Alawi ay naunang nakilala nang sumali siya sa "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa 13.7 million ang kanyang YouTube subscribers.

Matatandaang nag-fan girl mode noong si Ivana nang magawan ng paraan ng kanyang kapatid na si Mona na makapagbigay ang aktor ng mensahe para sa kanya.

Kitang-kita naman ang saya at kilig kay Ivana habang pinapanood niya noon si Joshua na nagpahatid ng pagbati sa kanyang second year anniversary sa YouTube.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel