Karen Davila, nagka-blooper kaagad sa unang araw niya sa TV Patrol
- Sa unang araw ng pagbabalik ni Karen Davila sa TV Patrol, nagkaroon na agad ito ng blooper
- Habang naka-ere ay isang tuyong dahon ang tumama sa kanyang mukha dahil sa hangin at wala siya sa loob ng studio
- Gayunpaman, hindi ito pinansin ng journalist at tuloy lang itong nakangiti sa harap ng camera
- Nitong October 11, 2021 ang unang araw ng pagbabalik ni Karen sa TV Patrol matapos magpaalam ni Noli De Castro para sa kanyang pagkakandidato
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Muling naging usap-usapan si Karen Davila matapos kumalat ang blooper sa unang araw niya sa pagsalang sa pagbabalita sa pamamagitan ng TV Patrol. Habang naka-ere ay isang tuyong dahon ang tumama sa kanyang mukha dahil sa hangin at wala siya sa loob ng studio.
Imbes na mag-react sa nangyari ay tuloy lang ang pag-project niya sa camera na tila walang nangyari. Marami ang natuwa sa kanya at kumalat na naman ang memes sa social media.
Haha cute p rin, binati k lng po ng leaf welcome back dw po.Iba mag welcome ang @TVPatrol may pa dahon Ms.Karen
Poised parin si madam.....Yan ang professional kung sa iba yan naku magmumura na yan sa dahon hahaha...Go ghurl!
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Ang lupit ng poise. Kung ako, malamang nag-panic na, sanhi ng imagination na kung ano yung dumampi sa mukha ko... Slightly smiling face
Si Karen Davila ay isang multi-awarded broadcast journalist na ginawaran ng parangal na TOYM (The Outstanding Young Men) Awards for Broadcasting noong 2008 at TOWNS (The Outstanding Women in the Nation’s Service) Award for Broadcasting (2013).
Nagsimula siya sa kanyang career bilang investigative journalist at paggawa ng mga dokyumentaryo kung saan nanalo siya ng UNICEF Child Rights Award para sa kanyang dokyumentaryong Children in Jail.
Matatandaang umani ng espikulasyon ang pagsagot ni Karen ng isang online survey ng GMA network sa social media.
Hindi pinalagpas ng news anchor ang malisyosong paghingi ng opinyon ng isang netizen kaugnay sa kontrobersiyang kinasangkutan ni Angel Locsin kamakailan.
PAALALA: Ang anumang mapanirang komento ay maaring makapahamak. Ang karapatan sa malayang pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay hindi nangangahulugang malayo tayong magbitiw ng mga masasakit at mapanirang mga salita. Laging isaisip, "Think before you click."
Source: KAMI.com.gh