Paulo Avelino, umalma sa mga lumabas na balita tungkol sa nangyari kay Jake Cuenca

Paulo Avelino, umalma sa mga lumabas na balita tungkol sa nangyari kay Jake Cuenca

- Matapos ang paglabas ng iba't-ibang bersyon ng kwento kaugnay sa nangyari kay Jake Cuenca, minabuti ni Paulo Avelino na linawin ang ilang bagay

- Matatandaang sa lumabas na balita ay si Paulo ang isa sa pumunta kay Jake nang madala ito sa presinto

- Nilinaw niya ang ilang espikulasyon kagaya ng sobrang lasing umano si Jake habang nagmamaneho

- Taliwas din sa ibang lumalabas na kwento, walang nasagasaan si Jake ayon kay Paulo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Inalmahan ni Paulo Avelino ang mga lumabas na balita kaugnay sa naganap sa kaibigang si Jake Cuenca kung saan hinabol siya ng mga Pulis. Aniya, kahit siya man ay hindi hihinto kung papuputukan siya ng mgta taong naka-sibilyan ang suot.

Paulo Avelino, umalma sa mga lumabas na balita tungkol sa nangyari kay Jake Cuenca
Jake Cuenca at OPaulo Avelino (photo from Paulo's Facebook account)
Source: Facebook
I wouldn't stop for anyone shooting my vehicle wearing civilian clothes. Pass through a checkpoint? Hinarang ba? If someone was shooting me it's either I shoot back or run for my life. Wrong place wrong time.

Read also

Regine Velasquez, nawindang sa score nang kantahin ang sariling awitin sa karaoke

Inalmahan niya ang umano'y maling balitang lumabas.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Mauna sa balita bida ngayon. GET YOUR FACTS STRAIGHT AND KNOW THE TRUTH BEFORE YOU POST.

Nilinaw niyang hindi lasing ang kanyang kaibigan pero maari umanong nakainom ito. Wala din umano itong sinagasaan o sinaktang tao. Dito na nabanggit ng aktor na papunta sana si Jake sa bahay niya ahil kaka-recover niya lang saCOVID.

Drunk? No. Nakainom? Maybe. Nakasagasa ba? Nakasakit ng tao? Hindi. Walang malay na nagmamaneho papunta dito sa punyeta kong bahay dahil kaka-recover ko lang sa covid.

Si Michael Paulo Lingbanan Avelino o mas kilala sa kanyang screen name na Paulo Avelino ay isang Pinoy actor na nakilala sa ilan sa nagawa niyang TV series kagaya ng Walang Hanggan, Honesto at Bridges of Love. Bumida siya sa pelikulang Goyo: Ang Batang Heneral kung saan gumanap siya bilang si Gregorio del Pilar.

Read also

DonEkla, nawindang sa bundle-bundle na perang nakita sa bag-raid kay Sir Wil

Kamakailan ay kinaaliwan ang kanyang reaksiyon matapos gamitin ang kanyang mukha sa isang face changing app at ginawa siyang babae.

Samantala, isang mensahe ang ibinahagi ni Paulo para sa anak nila ng dati niyang karelasyon na si LJ Reyes.

PAALALA: Ang anumang mapanirang komento ay maaring makapahamak. Ang karapatan sa malayang pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay hindi nangangahulugang malayo tayong magbitiw ng mga masasakit at mapanirang mga salita. Laging isaisip, "Think before you click."

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel