Willie Revillame, ibinahaging nag-iyakan ang kanyang staff
- Nabanggit ni Willie Revillame na ilang araw nang kinakabahan ang kanyang staff
- Ito ay habang hinihintay nila ang desisyon ni Kuya Wil kaugnay sa posibilidad na tumakbo ito sa pagka senador
- Nagkaiyakan na rin umano ang mga ito isang araw bago ang kanyang naging anunaiyo dahil iniisip nila ang kanilang magiging trabaho sakaling matigil ang kanilang show
- Matatandaang nauna nang nasabi ni Kuya Wil noong mga nakaraang buwan ang tungkol sa pagbibigay niya ng kanyang magiging pasya kaugnay sa alok na tumakbo siya
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Sa October 8 episode ng Wowowin, naibahagi ni Willie Revillame na ilang araw nang nangangamba ang kanyang mga staff. Ramdam na ramdam umano ang kalungkutan nila dahil sa agam-agam tungkol sa posibilidad na mawalan sila ng trabaho sakaling mapagpasyahan ni Kuya Wil na tumakbo sa senado.
Naikwento pa niyang nag-iyakan pa umano ang mga staff niya bago ang kanyang naging anunsiyo dahil nababahala sila.
Gayunpaman, napalitan ito ng kasiyahan dahil tuloy-tuloy pa rin ang trabaho nila matapos nga ibahagi ni Kuya Wil ang kagustuhan niyang ipagpatuloy ang pagtulong sa pamamagitan ng kanilang programa.
Aniya ay alam niyang hindi pa siya handa para sa ganoong bagay kaya mananatili siya sa pagbibigay saya sa pamamgitan ng Wowowin. Maghahanap na rin umano siya ng dalawang co-host at magpapa-audition siya para dito
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Kilala si Willie Revillame bilang isa sa pinakamayayamang artista. Kilala bilang game show host. Ilan sa mga sumikat niyang shows ay Willingly Yours, Masayang Tanghali Bayan, Wowowee, Willing Willie, Wil Time Bigtime , at Wowowillie. Pinasok din niya ang pagrerecord ng mga awitin.
Dahil sa tema ng kanyang mga TV show, naging takbuhan siya ng maraming nangangailangan ng tulong lalo na tungkol sa pinansiyal. Kamakailan, ibinenta niya ang mamahalin niyang sasakyan upang makalikom ng perang ibabahagi niya sa mga taong apektado ng pananalanta ng bagyo.
Nagbigay din siya ng tulong sa Mayor na Marikina at personal niya itong iniabot. Nagpapasalamat umano siya na sa kabila ng mga dumaang kalamidad ay ligtas siya.
PAALALA: Ang anumang mapanirang komento ay maaring makapahamak. Ang karapatan sa malayang pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay hindi nangangahulugang malayo tayong magbitiw ng mga masasakit at mapanirang mga salita. Laging isaisip, "Think before you click."
Source: KAMI.com.gh