Atty. Libayan, hinimay ang legal na aspeto ng isyu nina Kylie Padilla, Aljur Abrenica at AJ Raval

Atty. Libayan, hinimay ang legal na aspeto ng isyu nina Kylie Padilla, Aljur Abrenica at AJ Raval

- Bilang isang trial lawyer, ibinahagi ni Atty. Randolf Libayan ang kanyang kaalaman kaugnay sa legal na aspeto ng kaganapan kina Kylie Padilla, Aljur Abrenica at AJ Raval

- Binanggit niya rin ang mga posibleng kaso na maisasampa ni Kylie Padilla kung gugustuhin nito

- Aniya, kahit pa sabihing kasal pa sina Aljur at Kylie, maaring magamit ang kanyang pagpayag na makipag-date si Aljur sa iba kung sakaling maisipan nitong magsampa ng kaso

- Hindi naman umano makakasuhan si AJ Raval dahil hindi naman ito ang dahilan ng paghihiwalay ng mag-asawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isa-isang tinalakay ni Atty. Randolf Libayan ang aspetong legal kaugnay sa pakikipagdate ni Aljur Abrenica kay AJ Raval kahit kasal pa ito sa kanyang asawang si Kylie Padilla. Matatandaang nauna nang nilinaw ni Kyloie na hindi isyu sa kanya na makipagdate ang ama ng kanyang anak dahil noong Abril pa umano sila nagkahiwalay at napag-usapan na nila ito.

Read also

Angeline Quinto, pinasalamatan si Dr. Vicki Belo sa pinagawa nito sa kitchen ni Angge

Atty. Libayan, hinimay ang legal na aspeto ng isyu nina Kylie Padilla, Aljur Abrenica at AJ Raval
Kaylie Padilla (@kylienicolepadilla)
Source: Instagram

Ayon kay Atty. Libayan, dahil sa pahayag na ito ni Kylie, maaring hindi na rin makakasuhan ang asawa kung sakaling magbago ang isip niya at magsampa siya ng kaso. Ito ay nasabi niya na na may consent niya ang ginawa ni Aljur.

Hindi naman umano makakasuhan si AJ Raval dahil hindi naman ito ang dahilan ng paghihiwalay ng mag-asawa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Atty. Randolf Libayan ay isang trial lawyer na nakilala sa kanyang matapang na paghihimay ng mga kontrobersiyal na mga kaganapan. Ang kanyang YouTube channel na BatasNatin ay dumaan sa kritisismo lalo na mula sa mga tagahanga ng mga taong may kaugnayan sa kanyang tinatalakay sa kanyang channel.

Matatandaang umani ng matinding pambabatikos si Atty. Libayan mula sa mga tagahanga ni Ivana Alawi matapos mag-viral ang kanyang video kung saan tinatalakay niya ang paggamit ng kahirapan ng ilang kilalang ta upang pagkakitaan.

Read also

Bagong girlfriend ni Rob Moya, sinamahan ni Toni Fowler magpaganda

TInalakay niya rin ang mga kasong maaring kakaharapin ng mga taong nagpopromote ng pagbibigay ng limos.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Walang mali sa hindi pagsang-ayon sa ibang opinyon, walang mali sa pagpapahayag ng opinyon ukol sa isang paksa, at walang mali sa paglaban ng iyong paniniwala ngunit nawa ay iwasan ang dagliang pangungutya at mapanirang pahayag. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel