Desiree del Valle at Boom Labrusca, masayang ipinakita ang kanilang baby
- Masayang ibinahagi ng mag-asawang Boom Labrusca at Desiree del Valle ang panganganak ng aktres
- Bago siya tuluyang manganak ay pinasalamatan ni Desiree ang lahat ng nanalangin para sa kanya
- Marami naman ang naatig sa mensahe ni Boom para sa kanyang asawa matapos nitong manganak
- Pinuri nito ang asawa sa pagiging matatag at pinasalamatan din ng aktor ang mga doktor at mga nurse sa ospital kung saan nanganak si Desiree
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Hindi maitago ng mag-asawang Desiree del Valle at Boom Labrusca ang kanilang galak sa kanilang panganay na anak. Ibinahagi ng mag-asawa ang balita sa pamamagitan ng pag-post sa kani-kanilang social media account.
Isang video na kuha bago siya manganak ang ibinahagi ni Desiree kung saan pinasalamaytan niya ang lahat ng nagdasal para sa kanyang kaligtasan.
Samantala. ang mister niyang si Boom at tila bilib na bilib sa tibay ng kanyang misis. Aniya, hindi matutumbasan ng prisensiya ng isang ama ang hirap ng ina sa panganganak.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Maaring anduon tyo sa Kanilang tabi ngunit kailanman ay di naten malalaman ang tunay na hirap ng pagdadalang tao.
Pinuri nito ang asawa sa pagiging matatag at pinasalamatan din ng aktor ang mga doktor at mga nurse sa ospital kung saan nanganak si Desiree.
To my wife , for carrying our baby , for being strong and for being an amazing wife ..Good job mommy
To all the doctor's and nurses at st. Lukes erod Maraming Maraming Salamat po sa inyong pag alaga sa aking mag ina .
Si Desirée Lois del Valle Dunham o mas kilala sa kanyang screen name na Desiree del Valle ay isang Irish Pinay actress na nakilala sa Youth Oriented show na Tabing Ilog kung saan naitambal siya kay Paolo Contis.
Ikinasal siya sa aktor at ama ni Tony Labrusca na si Boom Labrusca. Matatandaang nagsalita din si Boom kaugnay sa naging kontrobersiyang kinasangkutan ng anak sa NAIA.
Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Walang mali sa hindi pagsang-ayon sa ibang opinyon, walang mali sa pagpapahayag ng opinyon ukol sa isang paksa, at walang mali sa paglaban ng iyong paniniwala ngunit nawa ay iwasan ang dagliang pangungutya at mapanirang pahayag. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.
Source: KAMI.com.gh