Video ng van na naligtas sa pagkakahulog sa rumaragasang tubig, viral

Video ng van na naligtas sa pagkakahulog sa rumaragasang tubig, viral

- Isang video ng pagkakaligtas sa isang van na nanganib na mahulog sa rumaragasang tubig sa gilid ng daan ang nag-viral sa social media

- Makikita sa nasabing video na bumigay ang gilid na bahagi ng daan kaya hindi makausad ang isang puting van

- Gayunpaman, hindi hinayaan ng mga taong naroroon na mahulog ang van at tulong-tulong silang hinila ang sasakyan

- Dahil sa pagtutulungan ng mga taong naroroon, nailigtas ang van at naibalik ang gulong nito sa daan kaya nakausad na ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kinabiliban ng mga netizens ang bayanihan ng ilang mga tao nang muntikan nang mahulog ang isang van sa rumaragasang tubig matapos ang pagbigay ng lupa sa daan.

Video ng van na naligtas sa pagkakahulog sa rumaragasang tubig, viral
Video ng van na naligtas sa pagkakahulog sa rumaragasang tubig, viral (Tiktok/@nataliaamore32)
Source: Facebook

Sa TikTok video ng TikTok user na si @nataliaamore32, makikitang halos kalahati ng katawan ng van na puti ay wala nang tinutungtungan na lupa kaya hindi malayong mahulog ito sa tubig sa gilid ng daan.

Read also

Jeric Raval, naalibadbaran sa suot niyang bra, stiletto at leggings sa bagong pelikula

Gayunpaman, hindi hinayaan ng mga taong naroroon na mahulog ang van at tulong-tulong silang hinila ang sasakyan. Dahil sa pagtutulungan ng mga taong naroroon, nailigtas ang van at naibalik ang gulong nito sa daan kaya nakausad na ito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito naman ang reaksiyon ng mga netizens sa kahanga-hangang bayanihan ng mga tao sa video na ito:

It shows that bayanihan does exists, nothing is impossible if we help one another.
It's not about The van it's all about Team, if all people have unity then we live peacefully and strong
to Ang isang halimbawa na walang imposible Basta lahat ay nag tulungan pag kakaisa Ang kailangan upang problema ay magapi

Sa kasalukuyang panahon na lahat ng pangyayari ay maaring ibahagi sa social media, naging mas madali para sa netizens ang makakuha ng mga impormasyon at bagong kaalaman.

Read also

Madam Inutz, TJ at Brenda Mage, napasabak sa unang task sa loob ng PBB house

Kaya naman, hindi nakakapagtaka na mabilis na kumalat ang mga video at balitang kakaiba o hindi pangkaraniwan.

Kamakailan, ilan sa mga nag-viral na video sa social media na talaga namang mainit na pinag-usapan ay ang mainit na sagutan ng isang inang namatayan ng sanggol at ng isang doktor.

Naging usap-usapan din ang isang security guard na hindi napigilang maiyak kaugnay sa kanyang hindi naibigay na sahod.

PAALALA: Ang anumang mapanirang komento ay maaring makapahamak. Ang karapatan sa malayang pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay hindi nangangahulugang malayo tayong magbitiw ng mga masasakit at mapanirang mga salita. Laging isaisip, "Think before you click."

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate