Binibining Pilipinas sa kanilang controversial post: "We took down the social media post"

Binibining Pilipinas sa kanilang controversial post: "We took down the social media post"

- Naglabas na ng opisyal na pahayag ang Binibining Pilipinas Beauty pageant kaugnay sa kanilang kontrobersyal na Facebook post

- Humingi rin sila ng paumanhin ang nilinaw na wala silang malisya at masamang intensyon sa naturang post

- Kasalukuyan na ring burado ito bilang pagdinig sa saloobin ng mga netizens

- Sinasabi ng mga netizens na ang naturang post ay may kaugnayan 'di umano sa pagkapanalo ni Miss Universe Philippines Beatrice Luigi Gomez

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Naglabas na ng opisyal na pahayag ang Binibining Pilipinas Beauty pageant (BBP) kaugnay sa kanilang kontrobersyal na post kamakailan.

Nalaman ng KAMI na humingi ng paumanhin ang BBP sa naturang post nilinaw na wala umano silang malisya o nais na patamaan sa ngayo'y burado nang Facebook post.

Binibining Pilipinas sa kanilang controversial post: "We took down the social media post"
Photo: Binibining Pilipinas Beauty Pageant
Source: Facebook

Ito ay bilang pagdinig na rin sa mga saloobin ng netizens. Kaakibat din umano nito ang pagiging mas responsable nila sa mga ibinabahagi nila online.

Read also

Sharon Cuneta, naiyak noon kay Olivia Lamasan dahil sa 'Madrasta': "I'm so mad at you"

"The organization has always been about celebrating Filipinas of all backgrounds. We will never conciously do anything to minimize the experience and truth of anyone"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"BBP acknowledges the sentiments of the netizens. We took down the social media post, and we eill ensure that future posts will be properly vetted and cleared by the organization. Moving forward, we commit to being more mindful online"

Narito ang kabuuan ng kanilang pahayag:

Ang tinutukoy na post ay ang naibahagi ng BBP na larawan ni Binibining Pilipinas International Hannah Arnold na mula sa Facebook page ng Miss International.

Ang caption na nakalagay sa naturang larawan ay 'Naturaaaal Woman' na nai-post matapos ang pagkapanalo ni Beatrice Luigi Gomez ng Miss Universe Philippines.

Isa umanong miyembro ng LGBTQ si Gomez kaya't maraming netizens ang umalma sa post ng Binibining Pilipinas at naisip nilang patungkol ito sa pinakabagong Miss Universe Philippines.

Read also

Olivia Lamasan sa 'Hello, Love, Goodbye': "Originally LizQuen 'yan e!"

Gayunpaman, ilan sa mga netizens ang nagpahayag ng pagtanggap ng paghingi ng tawad ng organisasyon at pag-ako ng kanila umanong naging pagkakamali.

Ipinapaalala lamang ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica