Rabiya Mateo, natawa na lamang sa mga memes niya na kumalat
- Isa sa pinakapinag-usapan sa katatapos lang na Miss Universe Philippines 2021 pageant ay ang eksena ng pagkadulas ni Rabiya Mateo sa stage
- Ito ay naganap sa kanyang final walk bilang reigning Miss Universe Philippines 2020
- Kasunod ng kanyang pagkakadapa sa stage ay hinangaan naman ang kanyang pagiging kalmado at graceful sa kanyang pagbangon
- Dumami rin ang mga memes na kuha nang napaluhod siya matapos niyang madulas at tinawanan niya lang ito
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Tinawanan laman ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo ang mga memes na kumakalat na mula sa kanyang pagkakadulas sa stage ng MUPH 2021 pageant. napaluhod siya sa stage matapos niyang madulas.
Gayunpaman, hindi nag-panic ang beauty queen. Bagkus tumayo siya ay humarap muli sa audience. Paalala niya sa mga pageant fans na nanood, "Once you [fall], you have to stand up."
Marami naman sa mga pageant fans ang humanga sa kanyang naging reaksiyon matapos niyang madulas. Hirit ng ilan, ganyan ang marka ng tunay na beauty queen.
Isa sa mga patok na patok na meme na kumakalat nagyon sa internet at sa social media ay ang kanyang picture na nakaluhod.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Sa kanyang harapan ay nakapwesto ang malaking character figure mula sa Hit Netflix series na Squid game. Ito ay ang estatwang nasa unang game na lumilingon sa mga kalahok sa game na nagde-detect ng galaw.
Sa kanyang Instagram story ay tinawanan lamang niya iyon at aminado siyang wala siyang coordination at balance.
Narito ang ilan pang mga memes mula sa kanyang pagkakadapa.
Si Rabiya Mateo ay kumatawan sa lungsod ng Iloilo City sa kauna-unahang Miss Universe Philippines pageant na ginanap noong October 24, 2020. Isa si Rabiya sa mga kandidatang may pinakamaraming followers sa Instagram kahit noong nagsisimula pa lamang ang kompetisyon. Sa katunayan ay umabot na ang kanyang followers sa Instagram sa mahigit isang milyon at pinagpasalamat ito ni Rabiya kamakailan.
Ibinahagi naman ng ina ni Rabiya ang mga katangiang mayroon ang anak. Hindi din nito napigilang magsalita laban sa mga bashers ng kanyang anak na kasalukuyang nasa America pa rin.
PAALALA: Ugaliing maging magalang sa pagbabahagi ng opinyon at saloobin. Ang kalayaan sa pagpapahayag ng opinton ay may limitasyon lalo na kung nalalabag na ang karapatang pantao ng kapwa.
Source: KAMI.com.gh