Gretchen Fulido, ibinahagi ang behind-the-scenes ng madamdaming huling gabi ni Kuya Kim sa TV Patrol

Gretchen Fulido, ibinahagi ang behind-the-scenes ng madamdaming huling gabi ni Kuya Kim sa TV Patrol

- Sa klanyang huling gabi bilang bahagi ng TV Patrol, hindi napigilan ni Kuya Kim na maging emosyonal

- Gayunpaman, pinipigil nito ang emosyon lalo na sa kanyang huling pagkakataon na sabihin ang kanyang linyang "Ang buhay ay weather-weather lang"

- Pagkatapos ng kanilang pagbabalita ay nagbigay ng kanya-kanyang mensahe ang kanyang mga kasamang sina Bernadette Sembrano, Henry Omaga-Diaz, Noli De Castro at Gretchen Fullido

- Bilang isa sa pinakapalaging nakakasama ni Kuya Kim, pinilit naman ni Gretchen na pigilan na hindi siya maiyak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa kanyang ibinahaging live video ay pinakita ni Gretchen Fullido ang madamdaming huling gabi ni Kuya Kim Atienza bilang kabahagi ng TV Patrol. Pagkatapos ng kanyang weather report at trivia, naibahagi din ni Kuya Kim ang klanyang mensahe para sa mga taong gusto niyang pasalamatan.

Gretchen Fulido, ibinahagi ang behind-the-scenes ng madamdaming huling gabi ni Kuya Kim sa TV Patrol
Gretchen Fulido at Kim Atienza (@gretsfullido)
Source: Instagram

Naging emsoyonal ito nang sabihin niya sa huling pagkakataon ang linyang kanyang sinasabi kapag tapos na ang kanyuang weather report.

Read also

Jeric Raval, naalibadbaran sa suot niyang bra, stiletto at leggings sa bagong pelikula

Marami ang nakapansin na pinipigil nito ang emosyon sa kanyang linyang "Ang buhay ay weather-weather lang."

Pagkatapos ng kanilang pagbabalita ay nagbigay ng kanya-kanyang mensahe ang kanyang mga kasamang sina Bernadette Sembrano, Henry Omaga-Diaz, Noli De Castro at Gretchen Fullido. Lahat ng kanyang mga kasamahan kabilang na ang mga naging katrabaho niya sa likod ng kamera ay nagpa-picture sa kanya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Iniwan niya rin sa isang katrabaho ang kanyang polo na nagsilbing uniform niya.

Sina Kim Atienza at Gretchen Fullido ay napapanood sa segment ng TV Patrol na pinapalabas sa kanilang Facebook Page. Sila ay nagbabasa ng mga reaksiyon at komento ng mga netizens na nanonood sa nasabing news program simula nang mawalan ng prangkisa ang ABS-CBN.

Bago pa ang huling gabi na ito ni Kuya Kim sa TV Patrol, naibahagi din ni Gretchen kamakailan ang emosyonal na behind-the-scenes ng ilang araw na nalalabing kasama nila si Kuya Kim sa TV Patrol.

Read also

Madam Kilay, natukoy ang hacker at nabawi ang kanyang YouTube account

Bumuhos naman ang mensahe ng mga celebrities para kay Kuya Kim sa panibagong yugto ng kanyang career sa kanyang paglipat sa Kapuso network.

PAALALA: Ugaliing maging magalang sa pagbabahagi ng opinyon at saloobin. Ang kalayaan sa pagpapahayag ng opinton ay may limitasyon lalo na kung nalalabag na ang karapatang pantao ng kapwa.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel