Heart Evangelista, di sinadyang mabanggit na bumili siya ng bagong sapatos

Heart Evangelista, di sinadyang mabanggit na bumili siya ng bagong sapatos

- Sa kanyang ibinahaging video kung saan ipinakita niya ang kanyang shoe koleksiyon, hindi sinadyang nabanggit ni Heart Evangelista ang tungkol sa pagbili niya ng bagong sapatos

- Aniya, mapapanood iyon ni Chiz at mukhang hindi iyon magugustuhan ng asawa

- Sa kanyang mga naunang vlog, naibahjagi ni Heart na ang kanyang asawang si Chiz ang nag-iimpluwensiya sa kanya na maging masinop sa kanyang kinikitang pera

- Aminado si Heart na mahilig talaga siya sa sapatos kaya naman kahit second hand ay bumili siya nang magbenta si Ruffa Mae Quinto

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa kanyang video na ibinahagi kamakailan, nabanggit ni Heart Evangelista ang mga brand ng sapatos na kinahiligan niya kabilang na ang isang brand na aniya ay komportable suotin.

Heart Evangelista, di sinadyang mabanggit na bumili siya ng bagong sapatos
Heart Evangelista (Photo by Claudio Lavenia)
Source: Getty Images

Nasabi niyang bago pa lamang ang isang pares na kanyang pinakita. Nang maalala niyang maaring mapanood ito ng kanyang asawa agad niyang nasambit na "patay na naman siya."

Read also

Mura Padua, pinasok na rin ang paggawa ng YouTube videos

Sa kanyang mga naunang vlog, naibahagi ni Heart na ang kanyang asawang si Chiz ang nag-iimpluwensiya sa kanya na maging masinop sa kanyang kinikitang pera.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ikinasal si Heart Evangelista sa dating senador na si Chiz Escudero sa Balesin Island Club noong February 15, 2015. Si Chiz ay may dalawang anak sa dati niyang asawa na si Christine Elizabeth Flores. Bago ang Mother's Day 2018, ipinaalam ni Heart sa social media na siya ay buntis. Sa kasamaang palad, parehong pumanaw ang kambal habang siya ay buntis.

Marami sa kanyang mga tagasuporta ang nag-alala matapos ibahagi ng aktres ang tungkol sa pagsasailalim niya sa operasyon dahil sa tumubong cyst sa kanyang mukha.

Kamakailan ay naibahagi ni Heart ang kanyang kasiyahan sa bagong teleserye ng GMA-7 na ipapakita ang ganda ng Sorsogon.

PAALALA: Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon. Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Walang mali sa hindi pagsang-ayon sa ibang opinyon, walang mali sa pagpapahayag ng opinyon ukol sa isang paksa, at walang mali sa paglaban ng iyong paniniwala ngunit nawa ay iwasan ang dagliang pangungutya at mapanirang pahayag.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel