Jinkee Pacquiao, ibinahagi ang bonding moments kasama sina Ruffa Gutierrez at Annabelle Rama
- Ibinahagi ni Jinkee Pacquiao ang picture niya kasama ang mag-inang sina Anabelle Rama at Ruffa Gutierrez
- Base sa komento ni Ruffa sa nasabing post ni Jinkee ay pumunta sila ng kanyang Mommy Annabelle sa bahay nina Jinkee
- Matatandaang kamakailan lang ay ipinagtanggol ni Annabelle si Jinkee mula sa isang writer na hindi na niya pinangalanan
- Inalmahan ni Anabelle ang nasabing writer na aniya ay hindi tumitigil sa pagsusulat ng negatibo tungkol kay Jinkee
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Matapos ang binitawang maanghang na salita ni Annabelle Rama para ipagtanggol si Jinkee Pacquiao mula sa isang writer, nagkasama sina Annabelle, Ruffa at Jinkee sa mismong bahay nila Senator Manny Pacquiao.
Pinasalamatan ni Jinkee ang mag-ina ngunit hindi na nito binanggit ang dahilan ng kanyang pasasalamat.
Gayunpaman, bago pa man ito ay matatandaang naging laman ng mga balita ang maaanghang na salitang binitawan ni Annabelle sa writer na aniya ay hindi naman sikat.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Hindi umano nito tinitigilan ang pagsulat ng mga negatibong mga bagay kay Jinkee.
Si Jinkee Pacquiao ay nagtrabaho bilang sales attendant para sa isang cosmetics brand bago niya nakilala si Manny Pacquiao.
Sa isang shopping mall sila unang nagkita kung saan ang uncle ni Jinkee, na dating trainer ni Manny, ang naging daan para magkakilala sila.
Ikinasal sila noong taong 2000 at meron silang limang anak na sina Emmanuel Jr., Michael Stephen, Mary Divine Grace, Queen Elizabeth and Israel.
Dahil sa kanyang magarbong buhay, naibabahagi minsan ni Jinkee ang ilang mga bagay sa social media. Hindi man naging positibo ang pagtanggap ng iilan sa kanyang mga ipinapakita, pinatunayan ni Jinkee na hindi siya apektado sa mga pambabatikos sa kanya.
Kabilang ang aktres na si Agot Isidro sa pumuna sa kanyang pagbahagi ng kanyang mamahaling gamit sa social media. Pinayuhan si Jinkee ng aktres na maging sensitive naman sa mga taong naghihirap sa gitna ng pandemya.
Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Walang mali sa hindi pagsang-ayon sa ibang opinyon, walang mali sa pagpapahayag ng opinyon ukol sa isang paksa, at walang mali sa paglaban ng iyong paniniwala ngunit nawa ay iwasan ang dagliang pangungutya at mapanirang pahayag. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.
Source: KAMI.com.gh