Manny Pacquiao, nagbahagi ng kanyang mensahe kasunod ng pagkumpirma ng pagtakbo niya
- Kasunod ng pagtanggap ni Manny Pacquiao ng nominasyon sa kanya ng Partido Demokratiko Pilipino - Lakas ng Bayan (PDP-Laban) bilang maging presidential candidate, umani ng samu't-saring reaksiyon ang inihayag ng mga netizens
- Ibinahagi naman ni Senator Manny Pacquiao ang kanyang mensahe kasunod sa pamamagitan ng isang Instagram post
- Aniya ay wala siyang inurungang laban sa kanyang buong buhay at tinatanggap niyang ang hamong tumakbo bilang Pangulo ng bansa
- Bukod sa mga kanyang mga tagasuporta ay naghayag din ng kanilang pagsang-ayon ang ilang mga sikat na personalidad at artista
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Para kay Senator Manny Pacquiao, handa siyang harapin ang hamon na tumakbo sa pagkapangulo ng bansa. Ito ay matapos niyang tanggapin ang nominasyon ng Partido Demokratiko Pilipino - Lakas ng Bayan (PDP-Laban) bilang maging presidential candidate.
Aniya ay wala siyang laban na inatrasan sa kanyang buong buhay dahil isa siyang fighter. Aniya, walang pinagkaiba ang Manny Pacquiao na minahal ng mga Pinoy bilang isang Pambansang Kamao sa Manny na aniya ay makakasama ng taongbayan upang labanan ang kahirapan at katiwalian.
Camille Trinidad, hindi napigilan ang emosyon nang matanong tungkol sa kasalanan sa kanya ni Jayzam Manabat
Sa buong buhay ko, wala akong laban na inatrasan. Ang Manny Pacquiao na kilala ninyo bilang pambansang kamao, ay walang ipinagkaiba sa Manny Pacquiao na kasama ninyo laban sa kahirapan at katiwalian. Higit sa sarili, bayan dapat ang mauna.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Senator Manny Pacquiao ay isang kilalang kampiyon na boxer na naging senador. Siya si Emmanuel Dapidran Pacquiao sa totoong buhay.
Pinagtuunan niya ng atensyon ang boxing kung kaya't naging magaling siya dito at ngayo'y isa sa mga pinakarespetadong boksingero sa mundo. Kasal siya kay Jinkee Pacquiao at may limang anak sila sa kasalukuyan. Isa rin si Pacquiao sa mga senador ng Pilipinas sa ngayon.
Kamakailan ay pinagdiwang ni Jinkee ang kanyang ika-42 na kaarawan sa Batangas. Ikinatakot ng maybahay ni Manny ang sorpresang inihanda para sa kaarawan niya.
Nais paalalahanan ng KAMI ang aming tagasubaybay na kaakibat ng ating kalayaan sa pagpapahayag ng opinyon ay ang pananagutan sa batas lalo na kung ang pahayag ay makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay iwasan ang paggamit ng mga mapanirang pahayag. Palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.Walang mali sa hindi pagsang-ayon sa ibang opinyon, at wala ding mali sa pagpapahayag ng saloobin ukol sa isang paksa.
Source: KAMI.com.gh