Thylane Bolzico, nakasama ang kanyang lolo at lola sa unang pagkakataon

Thylane Bolzico, nakasama ang kanyang lolo at lola sa unang pagkakataon

- Ibinahagi ni Nico Bolzico ang video ng kanyang anak na si Thylane Bolzico kasama ang kanyang lolo at lola na kasalukuyang nasa Madrid, Spain

- Makikitang nakikipag-usap ito sa kanila at tuwang-tuwa ang mga ito sa kanilang apo

- Marami sa mga netizens ang naaliw sa bibong anak nina Niko at Solenn Heussaff

- Kasalukuyang nasa ibang bansa ang mag-anak at masayang ibinahagi ni Solenn ang ilang mga bagay na nagawa nila doon na bawal nilang gawin dito sa Pilipinas dahil sa COVID restrictions

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Marami ang naaliw sa video na ibinahagi ni Nico Bolzico kung saan magkasama ang kanyang anak na si Thylane Bolzico at ang kanyang lolo at lola na tuwang-tuwa sa kanya.

Thylane Bolzico, nakasama ang kanyang lolo at lola sa unang pagkakataon
Nico Bolzico (@nicobolzico)
Source: Instagram

Base sa caption ni Nico, ito ang unang pagkakataon na nagkasama sila at hindi maipagkakailang tuwang-tuwa ang mga ito sa bibong si Tili.

Read also

Anne Curtis, nawindang matapos makita ang kanyang mag-amang iniwan nang 5 minutes

Meeting her Abuelos for the first time and it was love at first sight for both parties :)... Let's the adventures begin! Side note: Tili slept 2 hours out of 18 during the flight!

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Nico Bolzico ay isang Argentinean Business Executive mula sa Esperanza, Santa Fe, Argentina. Siya ang founder ng LM10 at Siembra Directa Corp.

Ang kanyang bayaw na si Erwan Heussaff naman ay isang Filipino-French na content creator na nakilalal sa kanyang vlogs tungkol sa food, traveling, at fitness. Asawa siya ng Kapamilya star na si Anne Curtis at nakababatang kapatid ni Solenn Heussaff.

Sina Nico at Erwan ay malapit sa isa't-isa. Sa katunayan, marami sa kanilang mga social media posts ay magkasama sila. Matatandaang nag-viral ang kanilang video kung saan ginaya nila ang ilang couple yoga poses.

Read also

Vlogger na si Jomar Lovena, isinapubliko ang pagbubuntis ng kanyang girlfriend

Kinaaliwan kamakailan ang reaksiyon ni Nico sa kanyang anak na si Thylane na gustong halikan ang anak ni Georgina Wilson.

Nais paalalahanan ng KAMI ang aming tagasubaybay na kaakibat ng ating kalayaan sa pagpapahayag ng opinyon ay ang pananagutan sa batas lalo na kung ang pahayag ay makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay iwasan ang paggamit ng mga mapanirang pahayag. Palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.Walang mali sa hindi pagsang-ayon sa ibang opinyon, at wala ding mali sa pagpapahayag ng saloobin ukol sa isang paksa.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel