Miss World Philippines 2021 Tracy Perez, dalawang beses na natumba sa entablado

Miss World Philippines 2021 Tracy Perez, dalawang beses na natumba sa entablado

- Dalawang beses na natumba sa entablado ang kinoronahang Miss World Philippines 2021 na si Tracy Perez

- Sa unang pagkakataon ay nahulog siya sa ilang baitang na hagdan sa entablado ngunit tinulungan naman siya ng kanyang mga kasamahan

- Nang makoronahan na siya ay muli siyang natumba sa sahig habang naglalakad siya palapit sa kanyang mga kasamahang kasama sa mga nanalo

- Isa sa nakitang maaring dahilan ng mga netizens ay sa sobrang pagod nito dahil umano sa tagal ng pageant na inabot ng ilang oras

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nakoronahan man ay hindi naging madali ang karanasan ni Miss World Philippines 2021 Tracy Perez. Dalawang beses siyang natumba habang nagaganap ang pageant.

Sa kanyang unang pagbagsak, nahulog siya sa apat na baitang na hagdan sa mismong entablado. Agad naman siyang tinulungan ng isang host at ng kasamahang mga kandidata.

Read also

Jeric Raval, naalibadbaran sa suot niyang bra, stiletto at leggings sa bagong pelikula

Heaven Peralejo, naka-relate sa kanyang karakter sa kanyang bagong palabas
Miss World Philippines 2021 delegates (@msworldphil)
Source: Instagram

Nang makoronahan na siya ay muli siyang natumba sa sahig habang naglalakad siya palapit sa kanyang mga kasamahang kasama sa mga nanalo. Samantala, marami sa mga netizens ang nakapuna sa haba ng itinagal ng kompetisyon:

Grabe naman kasi yung show lol almost 6 hours nag run. Malamang gutom at pagod na mga 'yan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Grabe naman kasi ang haba nun pageant, plus rice terraces effect yung stage.sna okay lang sya. Kami nga nanunuod lang nkatulog na literal,sila pa bang nka heels,plus pressure and all, ubos energy talaga. Nevertheless congrats Tracy!
Grabe ang pagod nila. 6 hours ang pageant. bakit naman ganun?! ang haba ng air time. wala pang kain mga candidates. 6 hrs nakaheels?

Ang Miss World Philippines 2021 ang ika sampung edition ng Miss World Philippines pageant. Naganap ang coronation night nito lamang October 3 sa Subic Bay Exhibition and Convention Center Hall A sa Subic Special Economic and Freeport Zone, Olongapo, Zambales, Philippines.

Read also

Mura Padua, pinasok na rin ang paggawa ng YouTube videos

Kabilang sa mga nakoronahang Miss World Philippines ay sina Megan Young na nanalo noong 2013, Catriona Gray noong 2016, Michelle Daniela Dee noong 2019 at marami pang iba,

Nais paalalahanan ng KAMI na ang kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay may kaakibat na pananagutan lalo na kung ang pahayag ay makakasira sa imahe ng ibang tao. Walang mali sa hindi pagsang-ayon sa ibang opinyon, at wala ding mali sa pagpapahayag ng saloobin ukol sa isang paksa. Lalong walang mali sa paglaban ng iyong paniniwala ngunit nawa ay iwasan ang dagliang pangungutya at mapanirang pahayag. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel