Ethel Booba, pinakita ang kanyang picture noong bata pa siya

Ethel Booba, pinakita ang kanyang picture noong bata pa siya

- Sa house raid ng mga kaibigang sina Donita Nose at Super Tekla, isa sa napansin nila ay ang mga interior design ng bahay ni Ethel

- Sa kanilang pag-uusisa ng mga pictures na nakasabit sa pader, nakita nila ang picture ni Ethel noong bata pa ito

- Hindi nakaligtas sa panunukso ng dalawa ang ilong ni Ethel noon na makikita sa kanyang picture

- Bilang aminado naman na nagparetoke siya, nakitawa lang si Ethel at nakipagbiruan pa sa mga kaibigan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi nakaligtas si Ethel Booba sa pang-aalaska at pagbibiro ng mga kaibigang sina Super Tekla at Donita Nose nang puntahan siya ng mga ito sa kanilang bahay.

Dito ay napansin nila ang picture ni Ethel na nakasabit sa kanyang pader. Kuha ito noong bata pa siya at kaagad na napagtripan ng dalawa ang ilong ni Ethel.

Read also

Eric Fructuoso, emosyonal sa biglang paglago ng mga negosyo: "Para sa mga anak ko"

Bilang isa sa mga artistang hindi ipinagkakaila ang kanyang pagpaparetoke siya, nakitawa lang si Ethel at nakipagbiruan pa sa mga kaibigan. Inihambing pa ng mga ito ang picture ni Ethel noong bata pa siya sa isa pang picture nito na kuha nang makilala na siya sa mundo ng showbiz.

Makikita din sa kanyang bahay ang kanyang trophy na kanyang napanalunan noong nanalo siya sa Tawag ng Tanghalan Celebrity edition.

Ethel Booba, pinakita ang kanyang picture noong bata pa siya
Ethel Booba (@ethelbooba)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang reaksiyon ng mga netizens:

Kaya gustong-gusto ko talaga si Ethel. napaka-totoo. Hindi nagjkukunwari at aminado kung anuman ang kanyang pinagawa.
Grabe talaga tong tatlong to, sobrang nakakaaliw at nakakatawa. More vlogs po!

Si Ethel Gabison ay kilalang komedyante at singer. Siya ang tinanghal na kauna-unahang kampiyon ng Tawag ng Tanghalan: Celebrity Edition.

Read also

Eric Fructuoso, nagpasalamat sa malasakit ni Mark Herras noong simula ng pandemya

Kaya naman umalma siya nang akusahan siyang ginamit lamang niya ang ABS-CBN kasunod ng kanyang paglabas ng saloobin laban sa Kapamilya network.

Naging usap-usapan din kamakailan ang kanyang kakaibang mga halaman sa loob ng bahay. Kagaya ng ibang mga plantita, ibinahagi niya ang kanyang mga tanim kagaya ng talong, malunggay at iba pang gulay.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel