Joshua Garcia, sinabing ang mga kaibigan ang nagsalba sa kanya nang malunod sa kalungkutan

Joshua Garcia, sinabing ang mga kaibigan ang nagsalba sa kanya nang malunod sa kalungkutan

- Ibinahagi ni Joshua Garcia ang kanyang appreciation sa kanyang mga kaibigan sa pamamagitan ng isang post

- Aniya, ito ang mga taong nagsalba sa kanya sa pagkalunod sa kalungkutan

- Ibinahagi niya rin na na-miss niya na ang kanilang mga lakad kung saan nakakapasyal silang magkasama

- Matatandaang nakasama niya sina Sofia Andres, Daniel Miranda, Ria Atayde, Kathryn Bernardo at Daniel Padilla kamakailan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang appreciation post ang ibinahagi ni Joshua Garcia para kanayang mga kaibigang aniya ay nagsagip sa kanya sa pagkalunod sa kalungkutan lalo na sa kasalukuyang sitwasyon.

Ibinahagi niya ang picture kung saan kasama niya ang mga kaibigang sina Sofia Andres, Daniel Miranda, Ria Atayde, Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Joshua Garcia, sinabing ang mga kaibigan ang nagsalba sa kanya na malunod sa kalungkutan
Joshua Garcia (@garciajoshuae)
Source: Instagram
These beautiful people saved me from drowning in loneliness.
Surround yourselves with positive energies during these times, my friends, because there are days in our lives that we all need to swim on our own. I am missing the sun and the gang.

Read also

DonEkla, ibinahagi ang house tour ng bahay ni Ethel Booba

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Marami naman sa kanyang followers ang masaya para sa kanilang idolo na nakahanap ng mabubuting kaibigan:

Josh, Nasa tamang set of friends kana.
Aaaaw!! Soo happy for you Josh!! You have found these beautiful people!! ♥️♥️ We love you and we’re always here to support you!
Continue to be positive and I’m so happy that you are being surrounded with positive and good people.

Si Joshua Garcia ay Filipino actor na nakilala sa kanyang mahusay na pagganap sa mga seryeng The Good Son at The Killer Bride. Naging bahagi din siya ng 2016 Metro Manila Film Festival entry na Vince, Kath, and James. Una siyang nakilala nang mapabilang siya sa ABS-CBN reality show na Pinoy Big Brother.

Read also

China Roces, masayang ibinalita ang tungkol sa kanyang engagement

Naitambal siya kay Julia Barreto at nakilala nilang tambalang JoshLia. Ilan sa mga pelikula na ginawa nila ay Vince & Kath & James (2016), Love You To The Stars And Back (2017), Unexpectedly Yours (2017), I Love You, Hater (2018) at Block Z (2020).

Matapos mag-viral kamakailan ng music video ng awiting Paubaya, ibinahagi nina Julia at Joshua ang behind-the-scenes ng nasabing shoot.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel