DonEkla, ibinahagi ang house tour ng bahay ni Ethel Booba

DonEkla, ibinahagi ang house tour ng bahay ni Ethel Booba

- Pinuntahan nina Donita Nose at Super Tekla ang bahay ni Ethel Booba para sa isang house raid

- Dito ay pinakita ng dalawa ang ilang bahagi ng bahay ng kanilang kaibigan kung saan sila nakatira ng kanyang mag-ama

- Wiling-wili din sina Donita at Tekla sa anak ni Ethel na si Michaela na mag-dadalawang taon na sa Pebrero

- Nabanggit din ni Ethel na dalawang buwan na siyang delayed at naghihinala siyang baka nagdadalantao siya

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sumugod sina Donita Nose at Super Tekla sa bahay nina Ethel Booba para sa isang house raid. Bilang kabilang sa mga malalapit na kaibigan ni Ethel, pabirong naghalughog na ang mga ito sa bahay ni Ethel.

DonEkla, ibinahagi ang tour house ng bahay ni Ethel Booba
Ethel Booba (@ethelbooba)
Source: Instagram

Biniro din sila ni Ethel na nauna pa ang mga ito na mag-house tour kesa sa kanya.

Read also

Ethel Booba, pinakita ang kanyang picture noong bata pa siya

Samantala, tuwang-tuwa ang dalawa sa anak ni Ethel na si Michaela na mag-dadalawang taon na sa Pebrero.

Kaya naman, inudyukan ni Tekla ang kaibigan na sundan na ang anak. Dito at nabanggit ni Ethel na dalawang buwan na siyang delayed at maaring buntis na uli siya dahil regular na umano ang buwanang dalaw niya mula nang magkaanak.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang reaksiyon ng kanilang mga viewers:

OMG!!! This is so funny. Love Donekla & Ethel. I am so glad Donekla worked out their differences because they are really a good tandem. Thank you for making me laugh and helping High Blood Pressure to be normal. Keep it up. Looking forward to your next vlog.
Talagang may chemistry ang 3 ito. Nakakaaliw tingnan mga funny. Ganda ng bahay mo miss ethel, love it.

Read also

Joshua Garcia, sinabing ang mga kaibigan ang nagsalba sa kanya nang malunod sa kalungkutan

Happy house raid. Sobrang good vibes ang vlog na ito.very beautiful ung house ni Ms. Ethel

Si Ethel Gabison ay kilalang komedyante at singer. Siya ang tinanghal na kauna-unahang kampiyon ng Tawag ng Tanghalan: Celebrity Edition.

Kaya naman umalma siya nang akusahan siyang ginamit lamang niya ang ABS-CBN kasunod ng kanyang paglabas ng saloobin laban sa Kapamilya network.

Naging usap-usapan din kamakailan ang kanyang kakaibang mga halaman sa loob ng bahay. Kagaya ng ibang mga plantita, ibinahagi niya ang kanyang mga tanim kagaya ng talong, malunggay at iba pang gulay.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel