Brenda Mage, "kinompronta" si Bea Alonzo sa TBATS kaugnay sa pagkatalo niya sa Ms Q & A
- Sa kanyang guesting sa The Boobay and Tekla Show, nagkaharap ang kapwa dating Kapamilya stars na sina Bea Alonzo at Brenda Mage
- Dito pabirong tinanong ni Brenda si Bea kaugnay sa kanyang pagkatalo noon sa Miss Q&A sa It's Showtime
- Isa si Bea sa mga hurado sa grand finals ng nasabing patimpalak kung saan nakapasok si Brenda sa finals
- Hindi man pinalad na manalo, nabigyan ng mga proyekto si Brenda sa iba't-ibang serye sa ABS-CBN bago siya lumipat kamakailan
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Pabirong kinompronta ni Brenda Mage si Bea Alonzo kaugnay sa kanyang pagkatalo sa Miss Q & A sa It's Showtime kung saan isa si Bea sa hurado sa grand finals.
“May tanong lang ako. Maiba naman tayo. Kasi natalo ako dati sa 'Miss Q and A,' siya yung isa sa judge, ikaw ba yung nag…?"
Biro pa ni Brenda hindi pa rin siya maka-move on. Tawang-tawa naman si Bea sa hirit na ito ni Brenda.
“Isa siya [Bea] sa mga judge at parang nakita ko talaga yung score niya, parang 'zero' ang nilagay.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Hindi man pinalad na manalo, nabigyan ng mga proyekto si Brenda sa iba't-ibang serye sa ABS-CBN bago siya lumipat kamakailan.
Si Bea Alonzo ay nakilala sa husay niya sa pag-arte. Isa siya sa pinakahinangaang katambal ni John Lloyd Cruz. Ilan sa kanilang blockbuster na pelikula ay One More Chance, Miss You Like Crazy, at A Second Chance.
Matapos nga ang ilang araw na naging maugong ang usap-usapan ng paglipat ni Bea sa GMA-7, kinumpirma ng network ang pagiging isang ganap na Kapuso ng aktres. Nakatanggap si Bea ng mainit na pagtanggap mula sa pamunuan ng nasabing network.
Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Walang mali sa hindi pagsang-ayon sa ibang opinyon, walang mali sa pagpapahayag ng opinyon ukol sa isang paksa, at walang mali sa paglaban ng iyong paniniwala ngunit nawa ay iwasan ang dagliang pagpapalagay na ang pangungutya at mapanirang pahayag. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.
Source: KAMI.com.gh