Anak nina Iya Villania at Drew Arellano, kinaaliwan ng mga netizens

Anak nina Iya Villania at Drew Arellano, kinaaliwan ng mga netizens

- Marami ang naaliw sa video ng bunsong anak ng mag-asawang sina Iya Villania at Drew Arellano na kanilang tinatawag na si Duday

- Ito ay dahil hindi napigilang makatulog ito habang siya ay nasa harap ng kanyang pagkain

- Sinubukan niyang sabihan ang anak na labanan niya ang antok ngunit nakatulog na ito

- Ang kanilang bunsong anak na si Alana ay isinilang ni Iya noong Hulyo ng nakaraang taon

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Marami ang naaliw sa video na ibinahagi ni Drew Arellano sa Instagram kung saan makikitang nakatulog ang anak nilang si Alana habang nasa harap ng kanyang pagkain. Sinubukan pang pigilan ni Drew na makatulog ng tuluyan ang anak ngunit nabigo siya.

Anak nina Iya Villania at Drew Arellano, kinaaliwan ng mga netizens
Photo from Iya Villania (@iyavillania)
Source: Instagram

“Labanan mo yan, Duday. Duday labanan mo," ani Drew habang sinusubukang ibangon ang ulo ng anak na nakasandal na sa gilid ng kanyang upuan.

Read also

Madam Inutz, binigyan ng CP ng manager: "New iPhone 12 Promac, ay Pro max pala!"

“Nak gising ka. Kain ka pa anak,” aniya at saglit na nagmulat ng mata ang anak ngunit agad din itong bumalik sa kanyang pagtulog.

Tinanong pa siya ni Drew kung ayaw na ba daw nito ng kanyang kinakain.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang reaksiyon ng ilang netizens sa video na ito:

Puyat san kaya galing kagabi yan? hahaha! Mukhang gimikera si Duday ah.
Haha cutie! Duday saan gimik mo kagabi? Little Sleeping Beauty. Lagi akong naaliw sa batang to.
Ang cute naman Duday! haha! Nakaka-aliw talaga tong batang to. Nakatulugan na lang ang pagkain. Labanan mo daw Duday!

Si Iya Villania-Arellano, ay unang nakilala sa mundo ng showbiz bilang TV presenter. Isa siyang Filipina-Australian na kinalaunan ay naging aktres at host na rin. Nakilala rin siya bilang isa sa pinakasikat na VJ ng Myx Channel.

Read also

Dhemy Seron, nag-post ng "bad liar" kasunod ng naging pahayag ni Kiko Estrada

Matatandaang nanganak ang aktres sa ikatlong anak nila ni Drew nito lamang July 18. Ibinahagi ng mag-asawa kaagad ang litrato ng kanilang bunso matapos itong isilang ni Iya.

Marami sa mga celebrities ang bumati sa mag-asawa sa kanilang baby girl.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel