Rapper na si Raf Davis, naglabas ng pahayag kaugnay sa alegasyon ng girlfriend niya
- Kasunod ng pagkalat ng naging alegasyon ng kanyang girlfriend na si Nina Yborha, naglabas ng kanyang pahayag ang rapper at songwriter na si Raf Davis
- Mabigat ang naging akusasyon laban sa kanya kabilang na ang pang-aabusong pisikal at emosyonal
- May mga ibinahagi ding recording at screenshot si Nina bilang mga patunay sa kanyang mga alegasyon
- Bukod sa kanya ay marami pa umanong mga babae ang nagbahagi ng kanilang karanasang hindi maganda kay Davis
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Sa kanyang inilabas na official statement, inako ni Raf Davis ang mga akusasyon laban sa kanya maliban lamang umano sa panggagahasa at pagbabanta.
Sinabi niya rin na napagpasyahan nila ni Nina na maghiwalay dahil naging toxic na rin umano ang kanilang relasyon.
Ayon din kay Raf, hindi siya ang nasa screenshot ng conversation kung saan nagbabanta ang umano'y fake Twitter account na nagkukunwaring siya umano.
Nakasaad din sa kanyang official statement na hinding-hindi siya magbibiro tungkol sa panggagahasa.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Sa kanyang Facebook account ay ibinahagi ni Nina ang ilang screenshots at recording at maging ang mga mensahe umano ng ibang mga babaeng mayroong hindi magandang karanasan sa rapper.
’Ive been silent for way too long, kasi just like any other victim of abuse, natatakot ako at nahihiya. But since nalaman ko na HINDI LANG AKO ANG NAGING BIKTIMA NYA. I HAVE TO STAND UP AND BE STRONG FOR ALL THE WOMEN HE ABUSED. THIS HAS TO STOP WITH ME.
Sa kasalukuyang panahon na lahat ng pangyayari ay maaring ibahagi sa social media, naging mas madali para sa netizens ang makakuha ng mga impormasyon at bagong kaalaman. Marami din sa mga social media isyu ang naging usapan kamakailan.
Isa sa pinakamainit na usapin ay ang tungkol sa umano'y pagpapasaring ng kampo ni Ethel Booba sa kampo ni Madam Inutz matapos ang naudlot na pagkikita sana nila nang pumunta si Ethel sa bahay ng sikat na online seller.
Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.
Source: KAMI.com.gh