Raymart Santiago at Jodi Sta. Maria, nag-alok ng pabuya sa makakahanap sa kanilang alagang ibon

Raymart Santiago at Jodi Sta. Maria, nag-alok ng pabuya sa makakahanap sa kanilang alagang ibon

- Ibinahagi ng napapabalitang magkarelasyon na sina Claudine Barretto at Reymart Santiago na nawawala ang kanilang alagang ibon na si Zesto

- Inilabas nila sa social media ang picture ng kanilang alaga upang makatulong sa paghahanap dito

- Nag-alok din ng pabuyang P10,000 ang aktres sa sinumang makakakita at makakabalik ng kanilang alagang isang sun parakeet

- Matatandaang parehas ang dalawa na nakahiligang mag-alaga ng aso at naging paraan para mapansin ng ilang netizens ang pagkakamabutihan ng dalawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Minabuti ng magkasintahang Raymart Santiago at Jodi Sta. Maria na idaan sa social media ang paghingi ng tulong upang mahanap ang kanilang alagang si Zesto na isang sun parakeet. Nawawala umano ito at huling namataan sa Makati City.

Raymart Santiago at Jodi Sta. Maria, nag-alok ng pabuya sa makakahanap sa kanilang alagang ibon
Raymart Santiago (@raymartsantiago)
Source: Instagram

Ibinahagi din nila ang palatandaang arm band ni Zesto. P10,000 ang inialok nilang pabuysa sa sinumang makakita o makakabalik sa kanila ng kanilang pinakamamahal na alaga.

Read also

Vlogger na sina Mariano G at Cindy, dedma sa bashers; kumuha pa ng sarili nilang tirahan

Bukod dito ay binahagi din nila ang contact number na maaring makontak ng sinumang makakita kay Zesto.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang reaksiyon ng ilang netizens:

Oh my! Nawawala po c Zesto. Sana may makahanap sa kanya. Pag ako nakahanap ky Zesto hindi ako manghihingi ng kapalit. Ang mahalaga maibalik lang nang maayos si Zesto.
Mami Jowds, e sali namin sa prayers namin si Zesto. Sana talaga mahanap na siya. Sa lahat ng nakakita nito, e share nyo to. Sa paraan na yun, nakatulong ka na.
Kung makita ko po yung bird niyo ipagbibigay alam ko po agad sa inyo. Huwag po kayong mag alala mahahanap din po yan tiwala lang po kayo.

Si Raymart Santiago ay aktor na nakilala sa kanyang mga action films. Ikinasal siya sa aktres na si Claudine Barretto at nagkaroon sila ng dalawang anak.

Read also

Jamill, sinubukang ibalik ang YT channel: "Nabalitaan namin 'di na daw mababalik"

Gayunpaman, kinalaunan ay nagkahiwalay din sila. Kasalukuyang karelasyon niya ang aktres na si Jodi Sta. Maria.

Kamakailan ay naging usap-usapan ang kanyang mensahe para sa kaarawan ng anak nila ni Claudine na si Santino.

Matatandaang inihayag ni Claudine ang kanyang sama ng loob sa dating asawa dahil sa isyu ng umano'y kakulangan ng suporta nito sa kanilang mga anak.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel