Quarter finals performance ng 10-anyos na Pinoy sa AGT 2021, may 1.1 million views na

Quarter finals performance ng 10-anyos na Pinoy sa AGT 2021, may 1.1 million views na

- Muling hinangaan ang 10-anyos na Pinoy na pasok sa quarter finals ng America's Got Talent 2021

- Kinanta niya ang sikat na awitin ni Whitney Houston na 'I Have Nothing'

- Mapapansin sa mga nanonood na nag-standing ovation ang mga ito nang bumirit ang batang Pinoy

- Katunayan, umabot na sa mahigit isang milyong views ang video niya sa loob lamang ng tatlong araw

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Talagang namamayagpag sa America's Got Talent ang 10 taong gulang na Pinoy na si Peter Rosalita sa America's Got Talent 2021.

Nalaman ng KAMI na sa kanyang quarter finals performance, kinanta niya ang sikat na awitin ni Whitney Houston na 'I Have Nothing.'

Muli na namang hinangaan si Peter sa husay ng kanyang pagkaka-awit at mapapansing napatayo ang mga audience nang bumirit na ang batang Pinoy.

Read also

Vice Ganda, emosyonal na pinasalamatan ng pamilya sa binigay nitong bagong bahay

Quarter finals performance ng 10-anyos na Pinoy sa AGT 2021, may 1.1 million views na
Photo: Peter Rosalita (America's Got Talent Live)
Source: Facebook

Katunayan, ang video ng kanyang performance na ito ay mayroon nang 1.1 million views sa loob ng isang araw.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang kanya namang audition video kung saan kinanta niya ang "All By Myself" ni Celine Dion ay mayroon namang 7.7 million views na naibahagi, dalawang buwan na ang nakalilipas.

Doon din niya nabanggit na bagaman at ipinanganak siya sa Abu Dhabi, buong pagmamalaki niyang isa siyang Pilipino.

Marami ang nagsasabing malaki ang kumpiyansa ni Peter na magwagi sa nasabing paligsahan.

Narito ang kabuuan ng kanyang performance:

Ang America's Got Talent ay isang reality show sa Amerika na nagtatampok sa mga amateur performers. Ngayong 2021, ika-16 na season na ng programa na nagsimula pa noong 2006.

Samantala, noong nakaraang taong 2020, sumabak ang kilalang mahusay na performer ng bansa na si Marcelito Pomoy sa nasabing paligsahan.

Read also

Jak Roberto, kinaaliwan sa reaksiyon niya sa kissing scene nina Barbie Forteza at Dennis Trillo

Marami ang humanga lalo kay Marcelito dahil sa kakayanan niyang kumanta ng mapa-babae o mapa-lalaking boses. Dahil sa kanyang husay, umabot siya sa Finals ng nakaraang AGT sa kabila ng mga kinaharap nitong kontrobersya.

Nais lamang na ipaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng kanilang komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica