Jak Roberto, kinaaliwan sa reaksiyon niya sa kissing scene nina Barbie Forteza at Dennis Trillo

Jak Roberto, kinaaliwan sa reaksiyon niya sa kissing scene nina Barbie Forteza at Dennis Trillo

- Sa ikalawang bahagi ng video na ibinahagi ni Jak Roberto sa kanyang YouTube channel, siya naman ang nag-react sa kissing scenes ng kanyang girlfriend na si Barbie Forteza

- Pabiro nitong pinipindot ang braso ni Barbie kung saan siya naturukan ng bakuna

- Isa sa mga pinanuod nila na matindi ang naging reaksiyon ni Kal ay ang eksena ni Barbie kasama si Dennis Trillo

- Matatandaang naunang ibinahagi ng dalawa ang reaksiyon ni Barbie sa mga kissing scenes ni Jak kasama ang kanyang mga leading ladies

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Muling nagpasabog ng kilig at aliw ang magkasintahang Jak Roberto at Barbie Forteza nang ibahagi nila ang kanilang panunuod sa mga eksena ni Barbie kasama ang kanyang mga leading men.

Jack Roberto, kinaaliwan sa reaksiyon niya sa kissing scene nina Barbie Forteza at Dennis Trillo
Jak Roberto at Barbie Forteza (@jakroberto)
Source: Instagram

Kabilang sa mga naka-eksena niya ay si Dennis Trillo. Matatandaang inamin noon ni Barbie na crush niya si Dennis.

Read also

Derek Ramsay at John Estrada, nagkapalitan ng mensahe sa post ng isang direktor

Habang nanood at nakikipagsagutan kay Barbie ay pabiro namang pinipindot ni Jak ang braso ni Barbie kung saan siya nagpabakuna.

Panuorin ang kabuoan ng vlog dito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Barbie Forteza ay isang Kapuso actress na nakilala sa kanyang mahusay na pagganap sa mga seryeng Nita Negrita, The Half Sisters, That's My Amboy, Inday Will Always Love You, Anak ni Waray vs. Anak ni Biday at marami pang iba.

Taong 2009 nang pasukin ni Barbie Forteza ang showbiz at ang unang proyektong ibinigay sa kanya ay ang gumanap sa papel na batang Jodi sa local adaptationng sikat na Korean drama na Stairway to Heaven.

Apat na taon nang magkarelasyon sina Barbie at Jak. Gayunpaman, hindi sila nakakaligtas sa mga pang-iintriga kagaya ng iba pang mga showbiz couples. Kamakailan nga ay inalmahan ni Barbie ang fake news na hiwalay na umano sila ni Jak.

Read also

Jessy Mendiola, pinagsabihan ang isang basher na nanglait kay Angel Locsin

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Tags:
Online view pixel