Derek Ramsay at John Estrada, nagkapalitan ng mensahe sa post ng isang direktor

Derek Ramsay at John Estrada, nagkapalitan ng mensahe sa post ng isang direktor

- Isang araw matapos ang kontrobersiyal na pahayag na ibinahagi ni Derek Ramsay sa programa ni Ogie Diaz, nagkapalitan ng komento sina Derek at John Estrada

- Matatandaang sinabi ni Derek na hindi niya kaaway si John dahil ayaw niya ng kaaway

- Gayunpaman, diretsahan niya ding sinabi na hindi niya na itinuturing na kaibigan si John

- Malaki naman umano ang pasasalamat niya kay John dahil ito ang naging daan na magkakilala sila ni Ellen

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos sabihin ni Derek Ramsay na hindi niya na kaibigan si John Estrada, parehas silang nagkomento sa Instagram post ng direktor ng sitcom na John en Ellen na si Willy Cuevas.

Derek Ramsay at John Estrada, nagkapalitan ng mensahe sa post ng isang direktor
Derek Ramsay (Photo by Gregorio B. Dantes Jr./Pacific Press/LightRocket)
Source: Getty Images

Sa post ng direktor, mababasa ang mga salitang , "I'm writing a song and I'm will call it "Cockroach juice."

Sagot naman ni John, parang alam niya kung kanino nito ibibigay ang cockroach juice.

Read also

Derek Ramsay, isiniwalat na 'positive control stick' ang nagamit sa swab test ni Ellen Adarna

Dito na sumagot si Derek at sinabing sabihan lang siya kung kailangan ni John na mag-cameo siya ng libre.

Hindi na sumagot si John ngunit ang direktor ang sumagot at sinabing mas okay kung walang cutoff.

Dito na rin sumagot si Ellen at sinabing mahirap ang walang cutoff dahil humihina ang immune system kapag kulang sa tulog lalo na sa kasalukuyang panahon na may kinakaharap na coronavirus.

Derek Ramsay at John Estrada, nagkapalitan ng mensahe sa post ng isang direktor
Screenshot from Willy Cuevas (@tagaakay)
Source: Instagram

Derek Ramsay at John Estrada, nagkapalitan ng mensahe sa post ng isang direktor
Screenshot from Willy Cuevas (@tagaakay)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Derek Ramsay ay isa sa mga pinakahinahangaang leading man sa bansa. Bumida siya sa ilang mga pelikula kagaya na lamang ng No Other Woman at English Only, Please.

Kamakailan ay naging usap-usapan ang naging pahayag ni Derek tungkol sa ex-boyfriend ni Ellen na si John Lloyd Cruz na siya ring ama ng unico hijo ni Ellen na si Elias.

Read also

Derek Ramsay, mas detalyadong dinepensahan si Ellen Adarna sa issue ng 'unprofessionalism'

Sa kabila ng pagiging masaya ng buhay-pag-ibig ng aktor, marami pa rin ang nambabatikos sa kanila ni Ellen. Gayunpaman, hindi ito inaatrasan ng dalawa at maraming beses na silang sumasagot sa mga bashers nila.

Malimit ding kinagiliwan ng mga netizens ang pagiging malapit ng anak ni Ellen sa kanyang Tito Derek.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Online view pixel