Liza Soberano, maninirahan na sa Los Angeles, California

Liza Soberano, maninirahan na sa Los Angeles, California

- Naibahagi ni Liza Soberano na lilipat na siya sa Los Angeles, California sa kanyang pag-guest sa YouTube channel ng Filipino-American makeup artist na si Patrick Starrr

- Aniya, hindi pa niya pormal na naisapubliko ang tungkol sa kanyang paglipat sa LA dahil aniya mas madali para sa kanya kung lilipat siya

- Dagdag pa niya, mas maganda umanong malapit siya para sa face to face meeting para mas makita ang kanyang personality

- Diretsahan niya rin sinabi na gusto niyang maging world-class actress at ito ang kanyang goal sa kanyang main goal sa LA

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naibahagi ni Liza Soberano na lilipat na siya sa Los Angeles, California sa kanyang pag-guest sa YouTube channel ng Filipino-American makeup artist na si Patrick Starrr. Sa naturang vlog ay diretsahan niyang sinabi na gusto niyang maging world-class actress at ito ang kanyang goal sa kanyang main goal sa LA.

Liza Soberano, maninirahan na sa Los Angeles, California
Liza Soberano, maninirahan na sa Los Angeles, California (@lizasoberano)
Source: Instagram

Dagdag pa niya, mas maganda umanong malapit siya para sa face to face meeting para mas makita ang kanyang personality.

"I've never really officially announced that I'm moving to LA. But that's just because it is much easier to build my career if I am out here because they are always looking for in-person meetings and it's just hard to book the job when you're meeting people over Zoom. They can't really tell what your personality is like and they can't see what you actually look like"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Hope Elizabeth Soberano, o mas kilala bilang si Liza Soberano, ay pinanganak sa Santa Clara, California. Filipino ang ama ni Liza habang American naman ang kanyang ina. Namataan si Liza ng isang talent scout noong siya ay 13 years old palang at pinakilala sa manager niya ngayon na si Ogie Diaz.

Kamakailan ay naging usap-usapan ang pagbati ni Enrique Gil sa kaarawan ni Liza. Binahagi ni Enrique ang ilan sa mga pictures nilang magkasama sa kanyang social media post. Maikli ngunit nakakakilig ang naging mensahe ni Enrique kay Liza. Ikinatuwa naman ng mga netizens na makitang maayos pa rin ang relasyon nila sa kabila ng lumalabas na espikulasyon.

Samantala, naging usap-usapan din ang ginawang makeup transformation ni Patrick Starrr kay Liza sa kanyang binahaging video. Kamakailan ay nagkasama sina Liza at Patrick sa isa sa kanyang vlogs. Sa naturang video na umabot sa 16 minuto, beauty queen makeup transformation ang ginawa ni Patrick. Marami sa mga netizens ang namangha sa "Miss Universe" transformation ni Liza.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel