DOH Sec. Duque sa panawagang magbitiw matapos punahin ng COA ang DOH: 'It's really up to the President'

DOH Sec. Duque sa panawagang magbitiw matapos punahin ng COA ang DOH: 'It's really up to the President'

- Muling naungkat ang panawagang magbitiw sa tungkuling bilang DOH Secretary si Francisco Duque III

- Ito ay matapos na punahin umano ng Commission on Audit ang COVID-19 funds sa ilalim ng pinamumunuan niyang ahensya

- Sa panayam kay Duque, tahasan nitong sinagot na wala umano siyang alam na kinurakot sa malaking halaga ng perang nakalaan sa pagresponde sa kaganapan ngayong pandemya

- Aniya, bababa lamang siya sa puwesto kung ang desisyon ay magmumula lamang kay Pangulong Rodrigo Duterte

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Muli na namang naglalabasan ang mga panawagang 'Duque resign!' matapos na kuwestyunin ng Commission on Audit ang pondo ng COVID-19 sa bansa.

Nalaman ng KAMI na isa ang senado gayundin ang kamara sa mga nangunguna sa imbestigasyon sa kung paano ginastos ang COVID-19 fund ng Department of Health sa pangunguna ng kalihim nito.

Read also

Vilma Santos sa alok na pagtakbo bilang VP ng Pinas: "Ayaw kong iwan ang Batangas"

Kabi-kabilang panawagang magbitiw ang ibinabato kay Duque na nanindigan pa rin sa kanyang posisyon at tanging ang pangulo lamang umano ang makapagpapababa sa kanya sa kanya sa pwesto.

Sec. Duque sa panawagang magbitiw matapos punahin ng COA: 'It's really up to the President'
DOH Secretary Francisco Duque III (Photo credit: Francisco T. Duque III)
Source: Facebook

"It's really up to the president. If I no longer enjoy his trust and confidence, I will step down. Wala namang problema sa akin 'yun," pahayag ni Duque sa panayam sa kanya ng GMA News.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Depensa ni Duque, wala umanong maipakitang anumang dokumento ang sinumang sumisilip sa kanyang ahensya na may kaugnayan umano sa korapsyon.

"Lahat naman tayo, sumusunod tayo sa mga panuntunan, sa batas. Zero. Wala. Wala akong alam na kinurakot doon sa pera. Lahat ng perang ito ay maipapaliwanag.

Si Francisco Duque III ay isang physician at kasalukuyang nagseserbisyo bilang Kalihim ng Kagawaran ng Kalusugan mula pa noong 2017.

Read also

Anak ng mag-asawang Pinoy sa Dubai na may COVID-19, agad na pumanaw

Kamakailan ay naglabas ng pahayag si Sec. Duque kaugnay sa video ni Robin Padilla na ipinapakita kung paano isinasagawa ang 'self-swabbing.' Sinabi ng kalihim na hindi ito maaring isagawa ninuman gayung magiging kuwestiyunable lamang ang resulta nito.

Samantala, dumarami na ang mga artista sa bansa na hayagang nagpapakita na sila ay nagpapabakuna at hinihikayat ang publiko na magpatala at magpabakuna na rin.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Hot: