Angel Locsin, pinangalanang Bea, Anne, at Angelica ang mga alagang sisiw

Angel Locsin, pinangalanang Bea, Anne, at Angelica ang mga alagang sisiw

- Sa kanilang ibinahaging house tour sa kanilang YouTube channel, kabilang sa naipakita ng mag-asawang Neil Arce at Angel Locsin ang alagang sisiw ni Angel

- Pinangalanan niya umano ang tatlo sa mga ito bilang sina Bea, Anne, at Angelica na ilan lamang sa kilalang malalapit na kaibigan ni Angel sa showbiz

- Ayon kay Neil, naisip umano ni Angel na mag-alaga ng sisiw upang doon na lang din sila kukuha ng kanilang kakaining itlog

- Sagot naman ni Angel, napagtanto niyang hindi pala madali ang mag-alaga ng sisiw

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Mabilis na umani ng mahigit isang milyong views ang YouTube vlog na mag-asawang Neil Arce at Angel Locsin kung saan pinakita nila ang house tour ng bahay na kanilang tinitirhan na mula sa pamilya ni Neil.

Angel Locsin, pinangalanang Bea, Anne, at Angelica ang mga alagang sisiw
Neil Arce at Angel Locsin (@neil_arce)
Source: Instagram

Iisa-isa nilang ibinabahagi ang kwento ng bawat sulok ng kanilang bahay na kanilang pinapakita. Kabilang sa naipakita nila ay ang alagang sisiw ni Angel na una na rin niyang naibahagi sa kanyang Instagram.

Read also

Loisa Andalio at Angeline Quinto, kinaaliwan sa kanilang pagalingan sa English

Pinangalanan niyang Bea, Anne, at Angelica ang mga alagang sisiw na pinaniniwalaan ng karamihan na mula sa malalapit na kaibigan niyang sina Bea Alonzo, Anne Curtis at Angelica Panganiban.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang reaksiyon ng netizens sa pagpangalan ni Angel sa kanyang sisiw:

Get a friend like Angel! Haha! Pati mga sisiw pinangalan pa talaga sa kanyang mga close friends.
Hahahahahaha playtime ka talaga angel ang cute mo
Makaalaga nga din ng sisiw pangalan ko din sa mga friends ko hahaha❤️cute nito

Si Angel Locsin ang isa sa mga pinaka-iconic na babaeng artista ng ating henerasyon. Bida siya sa mga sikat na teleserye gaya ng “Darna,” “The Legal Wife,” at “Mulawin.”

Ang aktres ay ang dating nobya ng Kapamilya host na si Luis Manzano. Nang magkahiwalay sila ni Luis, naka-relasyon niya ngayon ang film producer na si Neil Arce.

Read also

Angel Locsin at Neil Arce, ibinahagi ang isang house tour sa bahay na bigay ng pamilya ni Neil

Matatandaang kamakailan ay naging usap-usapan si Angel matapos kumalat sa social media ang larawan ng isang module na tila kinukutya ang kanyang pangangatawan.

Sa kabila ng kanyang pinagdaanan noon na red-tagging, isa si Angel sa mga artistang nagtayo ng community pantry.

Hindi din pinalampas ni Angel ang basher na bumatikos sa kanya matapos magpabakuna ang kanyang magulang.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel