Angeline Quinto, nakuryente sa "lie detector challenge" nang sabihing hindi naging sila ni Erik Santos

Angeline Quinto, nakuryente sa "lie detector challenge" nang sabihing hindi naging sila ni Erik Santos

- Sa isang video na kanyang ibinahagi sa kanyang YouTube channel, sumalang si Angeline Quinto sa Lie Detector Challenge

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

- Kasama niya ang komedyanteng si Chad Kinis na isa din sa malaoit na kaibigan ng singer-actress

- Isa nga sa naitanong kay Angeline ay kung naging sila ba ng kapwa niya mang-aawit na si Eric Santos

- Napasigaw at napatayo si Angge nang makuryente siya sa laruang lie detector na kadalasang ginagamit ng mga vloggers sa kanilang content

Napasigaw si Angeline nang makuryente siya sa laruang lie detector nang gawin nila ni Chad Kinis ang Lie Detector Challenge.

Ito ay matapos niyang itanggi na naging sila ng kanyang kapwa mang-aawit na si Erik Santos na naugnay na rin sa kanya noon.

Angeline Quinto, nakuryente sa "lie detector challenge" nang sabihing hindi naging sila ni Erik Santos
Angeline Quinto (@loveangelinequinto)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Isko Moreno sa pagiging isang Seiko Baby: "What's wrong with that?"

Kabilang din sa naitanong sa kanya ay kung naranasan na daw ba niyang magmahal ng may-asawa. Muli niya itong itinanggi at muli ay nakuryente siya.

Kinaaliwan ng mga viewers niya ang pagiging masiyahin ni Angeline sa nasabing video:

Tawang tawa at kinikilig ako dito kasama mama ko Ang saya nito! Sana soon JOWA CHALLENGE with Kuya Erik Santos naman Iloveyou ate Angge
Ang saya saya nn naman, naluluha mata ko sa kakatawa sa inyong dalawa, extremely pampagood vibes talaga Angge. more vids pa with beks batallion well done Angge at chad kinis.
Ate Angge nakaka GV talaga kayo ang saya2 ko nanaman, sana nga kayo na lang talaga ni kuya Erik, kung magiging kayo marami ang magiging happy hindi lang kayo ang sasaya pati na rin kaming mga Angerik fans niyo asahan niyong susuportahan namin kayo

Si Angeline Quinto ay isang sikat na mang-aawit sa Pilipinas. Una siyang nakilala sa mundo ng entertainment nang sumali siya sa Star Power: Sharon's Search For The Next Female Pop Superstar.

Read also

Vlogger na si Via Austria, emosyonal na inamin ang problema sa pamilya; "naligaw ako"

Bumuhos ang mensahe ng pakikiramay sa mang-aawit matapos lumabas ang balita tungkol sa pagpanaw ng kanyang kinikilalang ina na si Mama Bob.

Marami ang naantig sa mensahe ng pamamaalam ni Angeline para sa pinakamamahal na ina.

Matatandaang hiniling ng mang-aawit sa mga netizens na isama sa kanilang panalangin ang kanyang ina noong nakaraang buwan.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel