Rufa Mae Quinto, nakilala na ang sikat na impersonator niya sa TikTok

Rufa Mae Quinto, nakilala na ang sikat na impersonator niya sa TikTok

- Nakilala na ng actress at comedian na si Rufa Mae Quinto ang trending na impersonator niya sa TikTok

- Patok na patok sa netizens ang video ng naturang impersonator na gayang-gaya umano si Rufa Mae

- Pasado naman sa aktres ang mga TikTok videos ng kanyang impersonator lalo na at marami-rami na rin ang gumagaya sa kanya

- Kasalukuyan nang nasa Amerika si Rufa Mae kung saan kasama niya ang kanyang asawa at anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Halos hindi makapaniwal ang impersonator na si Thesalonika "Thesa" Mabangue na makikilala na niya sa wakas ang kanyang ginagaya at iniidolo na si Rufa Mae Quinto.

Nalaman ng KAMI na nakapanayam ng programang IRL ng GMA Public Affairs si Thesa bilang viral ang kanyang mga video sa TikTok kung saan ginagaya niya ang aktres at komedyante.

Read also

Guro, napagtapos sa kolehiyo ang tatlong mga anak ng kanyang BFF

Sa totoong buhay, isa umanong guro si Thesa. Masasabi niyang malaking bagay sa kanyang propesyon ang ginagawa niyang panggagaya kay Rufa Mae lalo na at nakalipas ang isang taong panuruan na online ang klase.

Rufa Mae Quinto, nakilala na ang sikat na impersonator niya sa TikTok
Rufa Mae Quinto kasama ang kanyang mister na si Trevor Magallanes (Photo: @rufamaequinto)
Source: Instagram

Kapag nakikita niyang tila inaantok na ang kanyang mga estudyante, saka umano niya ilalabas ang kanyang pagiging komedyante.

At nang ipakilala na sa kanya si Rufa Mae, halos hindi makapaniwala si Thesa.

"Hello po Miss Rufa. I love you po!" ang unang nasambit ni Thesa nang sumali na sa isang zoom call si Rufa Mae habang kinakapanayam sila ng host ng programa na si Gabbi Garcia.

"Maganda dahil marami din kasi ang may gusto din sa kanya. Kasi marami ring nagi-impersonate sakin. Lahat sila may gusto pero may something sa'yo Thesa na feel na feel nila."

Narito ang kabuuan ng video ng pagkikita ng dalawa:

Si Rufa Mae Quinto ay isang aktres at komedyante sa Pilipinas. Naging bahagi siya ng patok na gag show sa bansa ang 'Bubble Gang.' Dati niyang nakarelasyon ang mga kilalang celebrities na sina Dingdong Avanzado and Erik Santos. Taong 2016 nang ikasal siya sa financial analyst na si Trevor Magallanes. Nabiyayan sila ng isang anak na babae.

Read also

Boxing champs Eumir Marcial, Nesthy Petecio at Carlo Paalam na hawak ang kanilang medalya, viral na

Ngayong naninirahan na siya sa Amerika, nakapagbibigay naman ng update si Rufa Mae tungkol sa mga kaganapan sa kanya roon kasama ang kanyang pamilya sa pamamagitan ng kanyang mga vlog.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel