Donita Rose, ibinahagi ang ilang detalye ng kanyang trabaho sa Amerika

Donita Rose, ibinahagi ang ilang detalye ng kanyang trabaho sa Amerika

- Nakausap nina LJ Moreno at Ruffa Mae Quinto si Donita Rose at ibinahagi nila ito sa YouTube channel nilang Wander Mamas'

- Naibahagi ni Donita ang kanyang naging dahilan kung bakit niya napagpasyahang lisanin ang Pilipinas

- Aniya, wala na talagang dumating na trabaho sa kanya at hindi niya na mabayaran ang kanyang mga bills kaya napagpasyahan niyang magpunta sa Amerika

- Nakwento niyang isa na siyang research and development chef sa Island Pacific Supermarket na pagmamay-ari ng mag-asawang Krista Ranillo at Niño Jefferson Lim

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa panibagong video ng YouTube channel nina LJ Moreno at Ruffa Mae Quinto na Wander Mamas, nakausap nila ang kasamahan sa showbiz na si Donita Rose na kasalukuyan ding nakatira at nagtatrabaho sa Amerika.

Donita Rose, ibinahagi ang ilang detalye ng kanyang trabaho sa Amerika
LJ Moreno, Donita Rose at Ruffa Mae Quinto (@dashofdonita)
Source: Instagram

Kahit isa siyang research and development chef sa Island Pacific Supermarket na pagmamay-ari ng mag-asawang Krista Ranillo at Niño Jefferson Lim, ibinahagi ni Donita ang kanyang dedikasyon sa kanyang trabaho.

Read also

Maria Hofs, binigyan si Marjorie Abastas ng pera bukod pa sa bayad niya

“Nagugulat ang mga Pinoy dito, ako naglalabas ng basura. Ako nagda-dump sa dumpster. Hindi ko trabaho ‘yon, pero I do it. Nagpupunas ako ng mga table. Sabi, ‘Dee, ano bang trabaho mo?’”

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nakilala si Donita Rose bilang isa sa mga atistang naging bahagi ng That's Entertainment. Naging karelasyon niya ang isa sa mga kasama niya sa show na si Gary Estrada. Nakilala niya ang naging asawa niyang si Eric Villarama noong 2001 at ikinasal sila sa California noong 2003. Ipinanganak niya ang kanilang anak na si JP noong 2004 hanggang napabalitang naghiwalay sila noong 2015.

Ibinahagi ni Donita kamakailan na excited siyang makapag-umpisa ng sarili niyang negosyo sa Amerika.

Matapos mag-aral ng culinary, naging bahagi si Donita ng ilang TV shows at naibahagi niya ang kanyang husay sa pagluluto. Sa kanyang pagpunta sa Amerika, napasok siya sa trabaho bilang chef.

Read also

Barbie Forteza, kinaaliwan sa kanyang reaksiyon sa kissing scenes ni Jak Roberto

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate