Donnalyn Bartolome, kinabog ni Awra Briguela sa sa suot nito sa kanyang birthday party

Donnalyn Bartolome, kinabog ni Awra Briguela sa sa suot nito sa kanyang birthday party

- Isang post ang ibinahagi ni Awra Briguela sa Instagram kung saan kasama niya si Donnalyn Bartolome

- Base sa kanilang mga suot, kuha ito sa birthday celebration kamakailan ni Donnalyn kung saan isa si Awra sa mga dumalo

- Samantala, makikita sa ibinahaging video ni Donnalyn ang naging reaksiyon nila ng kanyang mga bisita sa pangmalakasang outfit ni Awra

- Kaya naman, pabirong binati ni Donnalyn si Awra ng happy birthday sa mismong Instagram post ni Awra

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pasabog ang suot ni Awra Briguela nang pumunta ito sa birthday celebration ni Donnalyn Bartolome kamakailan. Ibinahagi ni Donnalyn ang isang video kung saan makikita ang reaksiyon nila nang dumating si Awra.

Donnalyn Bartolome, kinabog ni Awra Briguela sa sa suot nito sa kanyang birthday party
Photo from Donnalyn Bartolome (@donna)
Source: Instagram

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Awra ang pictures nila ni Donnalyn na kuha sa birthday celebration ng vlogger.

Pabiro namang binati ni Donnalyn si Awra ng Happy Birthday dahil sa suot nitong outfit na kinabog ang kanyang suot kahit siya ang may birthday.

Read also

Derek Ramsay, ibinahagi ang video ng pagpapabunot niya ng uban kay Ellen Adarna

Narito ang reaksiyon ng ilang netizens:

Natatawa ako sis sa outfitan na parang ikaw ang may birthday at hindi si @donna ikaw na talaga
Yung bisita ka lang pero mas bingga outfit mo za bday gifl
yung mas bongga pa suot nung bisita kesa sa may birthday .. KABOOOG!

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Donnalyn Bartolome ay isinilang noong July 9, 1994, sa Yokosuka, Kanagawa Prefecture, Japan. Nakilala siya bilang isang singer, performer, YouTuber, at social media influencer. Ilan sa kanyang mga pinasikat na awitin ay Kakaibabe, Paskong Wala Ka, Happy Breakup, Di Lahat at marami pang iba.

Kamakailan ay ibinahagi ni Donnalyn ang dahilan kung bakit hindi madali para sa kanya ang mag move-on sa kanyang ex-boyfriend.

Sa kabila naman ng maraming mga request ng fans, sinabi ni Donna kung bakit hindi sila pwedeng mag- "Jowa Challenge" ni Hashim Alawi.

Read also

Tito Vince Flores, sinabing lalong hindi aalis kung may babalik na "epal"

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel