Pagtawag ni Bea Alonzo ng "hon" kay Dominic Roque, kinakiligan ng BeaDom fans

Pagtawag ni Bea Alonzo ng "hon" kay Dominic Roque, kinakiligan ng BeaDom fans

- Sunod-sunod ang pagpapakilig nina Bea Alonzo at Dominic Roque sa kanilang mga fans matapos lumabas ang mga pictures nila sa social media

- Sa isang TikTok video naman ay maririnig ang boses ng aktres na kinakausap si Dominic

- Hon ang tawag nito sa aktor na ilang buwan na ring nali-link sa kanya dahil sa kanilang mga social media posts

- Kasalukuyang nasa America ang dalawa at nitong mga nakaraang araw ay mas naging bukas sila sa publiko kaugnay sa kanilang relasyon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Wala pa mang opisyal na pag-amin mula kina Dominic Roque at Bea Alonzo, para sa mga fans nila ay sapat na ang naglabasang mga pictures nila para kumpirmahing may relasyon nga ang dalawa.

Pagtawag ni Bea Alonzo ng "Hon" kay Dominic Roque, kinakiligan ng BeaDom fans
Bea Alonzo (@beaalonzo)
Source: Instagram

Bukod sa mga magka-hawak kamay at pagyakap ni Bea sa likod ni Dominic, isang TikTok video ang ngayon ay kinakiligan ng mga BeaDom fans.

Read also

Derek Ramsay, ibinahagi ang video ng pagpapabunot niya ng uban kay Ellen Adarna

Hindi man kita ang dalawa sa nasabing TikTok video na ibinahagi ng TikTok user na may handle na @dengordulan110, maririnig ang kaswal na pag-uusap ng dalawa kung saan tinawag ni Bea si Dominic na "Hon."

Narito ang ilang reaksiyon ng kanilang mga fans:

What I like with Dominic para palagi bagong ligo...hnde dugyot tignan at desenteng tao...may aral at manners.
All the best for BeaDom. Road to forever!
Ang blooming ni Bea.. Halata sa aura nya na happy sya with Dominic...stay inlove lovers..Kakilig!

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Bea Alonzo ay nakilala sa husay niya sa pag-arte. Isa siya sa pinakahinangaang katambal ni John Lloyd Cruz. Ilan sa kanilang blockbuster na pelikula ay One More Chance, Miss You Like Crazy, at A Second Chance.

Matapos nga ang ilang araw na naging maugong ang usap-usapan ng paglipat ni Bea sa GMA-7, kinumpirma ng network ang pagiging isang ganap na Kapuso ng aktres. Nakatanggap si Bea ng mainit na pagtanggap mula sa pamunuan ng nasabing network.

Read also

Tito Vince Flores, sinabing lalong hindi aalis kung may babalik na "epal"

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel