Donya sa Cebu na inereklamo ng food supplier, ayaw makipag-ayos

Donya sa Cebu na inereklamo ng food supplier, ayaw makipag-ayos

- Sinubukan ni Raffy Tulfo na pag-ayusin na lamang sana ang food supplier at ang inireklamo nitong customer

- Gayunpaman, nagmatigas ang customer na inirereklamo na hindi siya makikipag-ayos dahil sa damage umano na nadulot nito sa kanya

- Bukod umano sa pambababoy ng supplier sa kanyang pamilya, nasira pa umano ang birthday party ng kanyang anak

- Nilinaw naman ng nasabing ginang na magbabayad siya ng balanse niya sa barangay ngunit hindi siya makikipag-ayos

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagmatigas ang Donya na inireklamo ng isang food supplier na hindi siya makikipag-ayos dahil umano sa damage na naidulot ng ginawang pagbabagi ni Marjorie Abastas ng live video ng kanyang paniningil sa kaniya.

Donya sa Cebu na inereklamo ng food supplier, ayaw makipag-ayos
Donya sa Cebu na inereklamo ng food supplier, ayaw makipag-ayos
Source: Facebook

Hindi daw niya palalampasin ang ginawa ni Marjorie sa kanyang pamilya. Gigil na gigil ito habang ibahagi ang kanyang saloobin sa dinaranas na pambabatikos niya at ng kanyang pamilya kaugnay sa isyu.

Read also

Food supplier na hindi nakasingil ng balanse mula sa customer, nagpa-Tulfo

Ayon naman kay Marjorie, kaya niya kinuhanan ng video ang buong pangyayari ay para sa kanyang kaligtasan dahil aniya ay "powerful" umano si madam dahil marami raw itong pera.

Matatandaang umani ng matinding reaksiyon ang live video ni Marjorie kamakailan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa kasalukuyang panahon na lahat ng pangyayari ay maaring ibahagi sa social media, naging mas madali para sa netizens ang makakuha ng mga impormasyon at bagong kaalaman.

Kaya naman, hindi nakakapagtaka na mabilis na kumalat ang mga video at balitang kakaiba o hindi pangkaraniwan.

Kamakailan, ilan sa mga nag-viral na video sa social media na talaga namang mainit na pinag-usapan ay ang mainit na sagutan ng isang inang namatayan ng sanggol at ng isang doktor.

Naging usap-usapan din ang isang security guard na hindi napigilang maiyak kaugnay sa kanyang hindi naibigay na sahod.

Read also

Rabiya Mateo, ibinahaging pangarap niyang magkaroon ng sarili niyang punerarya

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate