Claudine Barretto, ibinahagi ang picture ng anak na si Sabina at boyfriend nito

Claudine Barretto, ibinahagi ang picture ng anak na si Sabina at boyfriend nito

- Ibinahagi ni Claudine Barretto ang mga picture ng kanyang mga anak na sina Sabina Barretto na nagdiwang kamakailan ng kanyang ika-17 na kaarawan

- Agaw-pansin ang kasamang binata ni Sab at marami ang napatanong kung ito na ba ang kapatid niyang si Santino

- Gayunpaman, nilinaw ni Claudine na ayaw ni Santino na magpa-picture kaya wala ito sa mga binahagi niyang pictures

- Ibinahagi niya rin na ang binatang tinatanong ng mga netizens ay boyfriend ng kanyang anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi ipinagkaila ni Claudine Barretto ang tungkol sa pagkakaroon ng boyfriend ng kanyang anak na si Sabina Barretto. Sa kanyang mga ibinahaging pictures kung saan makikita ang anak na si Sab at ang kanyang birthday cake, marami ang nakapansin sa kasama nitong binata.

Claudine Barretto , ibinahagi sa Instagram ang picture ng anak na si Sab at boyfriend nito
Claudine Barretto (@claubarretto)
Source: Instagram

Inakala ng mga netizens na iyon ay si Santino. Gayunpaman, nilinaw ni Claudine na hindi iyon ang anak niya at boyfriend iyon ni Sabina.

Read also

Kim Chiu at Dani Barretto, nagkasukatan kung sino ang mas nakakakilala kay Bela

That’s Not SANTINO. Thats Raffy Sabs boyfriend.Saint doesn’t want his Pictures taken

Marami naman ang humangga sa pagiging cool at supportive ni Caudine na mommy sa kanyang mga anak.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Claudine Barretto ay nagsimulang makilala nang mapabilang siya sa "Ang TV" noong taong 1992. Nang sumunod na taon, napabilang siya sa palabas na pinagbibidahan ng comedy king na si Dolphy Quizon na "Home Along Da Riles." Kabilang sa mga teleseryeng kanyang pinagbidahan ay Mula sa Puso, Saan Ka Man Naroroon, Sa Dulo ng Walang Hanggan, Marina, at Iisa Pa Lamang. Ikinasal siya sa aktor na si Raymart Santiago noong taong 2006 ngunit kalauna'y nagkahiwalay din.

Kamakailan ay lumabas sa isang panayam kay Claudine na sinabi nitong hindi umano dumadalaw sina Marjorie at Julia Barretto sa kanyang mommy.

Read also

Kim Chiu, sinabunutan ni Bela Padilla matapos banggitin ni Kim si Zanjoe Marudo

Naging usap-usapan din kamakailan ang napipintong paggawa ng pelikula ni Claudine at ng dati niyang kasintahang si Mark Anthony Fernandez.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel