Kuya Wil, naglaan ng PhP 5.2 million para sa naulilang pamilya ng mga sundalo

Kuya Wil, naglaan ng PhP 5.2 million para sa naulilang pamilya ng mga sundalo

- Naglaan ng PhP 5.2 million si Willie Revillame para sa pamilya ng mga sundalong biktima ng Sulu crash kamakailan

- Bawat pamilya ay tatanggap ng P100,000 mula sa TV host bilang pasasalamat sa kagitingan ng mga sundalo

- Pinaabot niya ang kanyang tulong sa pamamagitan ng AFP spokesperson na si Marine Maj. Gen. Edgard Arevalo

- Matatandaang gumimbal sa buong bansa ang balita tungkol sa pag-crash ng sasakyang panghihimpawid na sinakyan ng mga sundalo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pinaabot ni Willie Revillame ang kanyang inilaan na PhP 5.2 million para sa naulilang pamilya ng mga sundalo sa pamamagitan ni AFP spokesperson na si Marine Maj. Gen. Edgard Arevalo.

Makakatanggap ng P100,000 ang 52 na pamilya ng mga sundalong biktima ng Sulu crash.

Willie Revillame, magbibigay ng tulong sa pamilya ng mga biktima ng Sulu crash
Charo Santos (L) and "Wowowee" host Willie Revillame (R) wait inside the office at the department of local goverment office in Manila 05 February 2006.(Photo from JOEL NITO/AFP)
Source: Getty Images
“Bigay ko po yan para sa ating mga kababayan. Una sa lahat para sa ating dakilang sundalo na nagbigay ng puso para sa ating bayan"

Read also

Robin Padilla, pinayuhan umano si Kylie na pag-Muslimin na lang si Aljur

Bukod sa tulong na ito ni Kuya Wil, ibinahagi ni Maj. Gen. Edgard Arevalo ang mga benipisyong ipagkakaloob sa lahat ng biktima.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kilala si Willie Revillame bilang isa sa pinakamayayamang artista. Kilala bilang game show host. Ilan sa mga sumikat niyang shows ay Willingly Yours, Masayang Tanghali Bayan, Wowowee, Willing Willie, Wil Time Bigtime , at Wowowillie. Pinasok din niya ang pagrerecord ng mga awitin.

Dahil sa tema ng kanyang mga TV show, naging takbuhan siya ng maraming nangangailangan ng tulong lalo na tungkol sa pinansiyal. Kamakailan, ibinenta niya ang mamahalin niyang sasakyan upang makalikom ng perang ibabahagi niya sa mga taong apektado ng pananalanta ng bagyo.

Nagbigay din siya ng tulong sa Mayor na Marikina at personal niya itong iniabot. Nagpapasalamat umano siya na sa kabila ng mga dumaang kalamidad ay ligtas siya.

Read also

Heart Evangelista, ibinahaging 23 and a half inches ang sukat ng kanyang beywang

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate