Sen. Pacquiao, kinuwestyon ang DSWD sa umano'y nawawalang 10.4 Bilyon

Sen. Pacquiao, kinuwestyon ang DSWD sa umano'y nawawalang 10.4 Bilyon

- Nakatakdang maghain ng Senate resolution si Senator Manny Pacquiao sa blue ribbon committee kaugnay sa umano'y nawawalang 10.4 Bilyong piso ng DSWD

- Sa isang press conference, sinabi ng senador na ang mga papeles na nasa kanyang mesa ang mga ebidensiya ng korapsiyon

- Kabilang nga dito ang tungkol sa ayuda ng DSWD na nagkaroon ng ksunduan sa e-wallet app Starpay

- Aniya, 500,000 lamang sa kabuuang 1.8 million beneficiaries ang nag-download ng nasabing app upang makapag-claim ng ayuda

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa isang virtual press conference ay makikita ang mga patong-patong na papel sa mesa ni Senator Manny Pacquiao. Ito umano ang patunay sa mga nagaganap na korapsiyon sa gobyerno.

Kabilang dito ang multibillion na halaga sa ilalim ng DSWD para sa ayuda.

Sen. Paquiao kinuwestyon ang nawawalang 10.4 Bilyong piso ayuda ng DSWD
Manny Pacquiao (@mannypacquiao)
Source: Instagram

Ayon sa kanya, sa ilalim ng greement ng nasabing ahensiya sa e-wallet app na Starpay kung saan idadaan ang social amelioration program (SAP) funds, umabot sa 1.3 million na binipesyaryo ang hindi nakakuha ng ayuda.

Read also

'Cashless' na pangongotong ng isang traffic enforcer Sa Maynila, sapul sa video

Umabot umano sa P10.4 billion funds ang nawawala dahil 500,000 lamang sa kabuuang 1.8 million beneficiaries ang nag-download ng app at tumanggap ng ayuda.

“Sa mga hindi po nakakaalam, hindi ka puwedeng mag-receive and withdraw kung wala kang nada-download na Starpay app. Ang tanong ko po, ano ang nangyari sa 1.3 million na katao na hindi naka-download sa Starpay app ngunit sa record po ay nakatanggap sila ng ayuda?” aniya sa isang virtual press conference nitong Sabado, July 3.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Manny Pacquiao ay isang boxer na naging isang politiko. Ang tunay niyang pangalan ay Emmanuel Dapidran Pacquiao at siya'y anak ng popular na si Mommy Dionisia Pacquiao. Mahirap ang naging buhay ni Pacquiao noong siya'y bata pa lang.

Pinagtuunan niya ng atensyon ang boxing kung kaya't naging magaling siya dito at ngayo'y isa sa mga pinakarespetadong boksingero sa mundo. Kasal siya kay Jinkee Pacquiao at may limang anak sila sa kasalukuyan. Isa rin si Pacquiao sa mga senador ng Pilipinas sa ngayon.

Read also

Raffy Tulfo at Mayor Vico Sotto, nagtulungang madakip ang mga 'scammer' sa Pasig

Kamakailan ay pinagdiwang ni Jinkee ang kanyang ika-42 na kaarawan sa Batangas. Ikinatakot ng maybahay ni Manny ang sorpresang inihanda para sa kaarawan niya.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate