Bea Alonzo, isang taon na walang trabaho bago tuluyang nagdesisyong lumipat
- Matapos nga ang paglabas ng balitang lumipat na siya sa GMA-7, hindi nakaligtas si Bea Alonzo sa mga pambabatikos mula sa ilang tagasuporta ng ABS-CBN
- Mayroon pang mga nagtatrabaho sa ABS-CBN kagaya ng mga writer na naglabas ng kanilang saloobin hinggil sa umano'y pang-iiwan ng aktres nang may naumpisahan itong teleserye
- Sa isang panayam naman, nilinaw ni Bea Alonzo na umabot sa isang taon bago siya tuluyang nakapagpasya na lumipat dahil na rin sa kawalan ng proyekto at contract
- Sa pagkakaalam niya ay parehas umano nilang naging desisyon na huwag nang ituloy ang nasimulang teleserye na naudlot ang pagshoot dahil sa mga kaganapan kagaya ng network shutdown at ng pandemya
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Nilinaw ni Bea Alonzo na umabot na rin ng isang taon bago siya tuluyang nakapagpasyang lilipat na siya sa GMA-7. Isang taon na rin umano siyang walang kontrata at walang trabaho.
Tungkol naman doon sa proyektong kanyang naumpisahang i-shoot, parehas na desisyon umano ng dalawang kampo na huwag nang ituloy ang teleserye dahil na rin sa pagkaudlot ng pag-shoot nito bunsod ng pandemya at pagkawala ng prangkisa ng ABS-CBN.
Ito ay sa gitna ng pambabatikos sa kanya dahil sa umano'y nasimulang serye na kanyang iniwan na lang.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Bea Alonzo ay nakilala sa husay niya sa pag-arte. Isa siya sa pinakahinangaang katambal ni John Lloyd Cruz. Ilan sa kanilang blockbuster na pelikula ay One More Chance, Miss You Like Crazy, at A Second Chance.
Matapos nga ang ilang araw na naging maugong ang usap-usapan ng paglipat ni Bea sa GMA-7, kinumpirma ng network ang pagiging isang ganap na Kapuso ng aktres. Nakatanggap si Bea ng mainit na pagtanggap mula sa pamunuan ng nasabing network.
Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh