Angeline Quinto, nawindang sa kanyang ka-date na siya pinagbayad sa restaurant

Angeline Quinto, nawindang sa kanyang ka-date na siya pinagbayad sa restaurant

- Ibinahagi ni Angeline Quinto ang kanyang maituturing na worst date nang maitanong ito sa kanya sa sagot o lagot challenge niya

- Kwento ni Angeline, masaya silang nagkwentuhan hanggang sa lumapit na ang waiter at nagkatinginan sila ng kanyang ka-date

- Siya umano ang nagbayad ng kanilang kinain at mamahaling restaurant pa ang kanilang pinuntahan

- Hindi na binanggit ni Angeline ang pangalan ng lalking kanyang tinutukoy

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa kanyang Sagot o Lagot challenge, ilang katanungan ang sinubukang sagutin ni Angeline Quinto. Isa sa kanyang sinubukang sagutin ay ang tanong tungkol sa kanyang worst date.

Angeline Quinto, naganap ang worst date sa mamahaling resto at siya pinagbayad
Angeline Quinto (@loveangelinequinto)
Source: Instagram

Ani Angeline, masaya naman ang pag-uusap nila ng kanyang ka-date hanggang sa lumapit na ang waiter sa kanila at nagkatinginan sila. Siya umano ang nagbayad sa kinain nila sa restaurant na iyon na ayon sa kanya ay medyo mamahalin.

Read also

Ogie Diaz, ₱4 Million ang ginastos sa anak; tumulong pa rin sa ibang baby sa ICU

Gayunpaman, nang tanungin siya kung sino iyong ka-date niyang iyon, pinili niya na lang na uminom kaysa pangalanan ang kanyang ka-date.

Marami ang naaliw sa vlog na ito ni Angeline. Narito aang ilan sa mga reaksiyon:

ito ata ung sagot o lagot na pinaka detailed HAHAHA, sagot kung sagot ih, honest yarn? I love you always, all ways ate idol ko!
Sino kayang artista yun?Hahaha yung muntikan sinugod ni angge
I like you Ate angieline .Ang totoo mong tao. Di gaya ng iba na showbiz na showbiz ang pagsagot

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Angeline Quinto ay isang sikat na mang-aawit sa Pilipinas. Una siyang nakilala sa mundo ng entertainment nang sumali siya sa Star Power: Sharon's Search For The Next Female Pop Superstar.

Bumuhos ang mensahe ng pakikiramay sa mang-aawit matapos lumabas ang balita tungkol sa pagpanaw ng kanyang kinikilalang ina na si Mama Bob.

Read also

Viral na MedTech na tinapos ang gawain kahit nasusunog na ang kalapit na gusali, hinangaan

Marami ang naantig sa mensahe ng pamamaalam ni Angeline para sa pinakamamahal na ina.

Matatandaang hiniling ng mang-aawit sa mga netizens na isama sa kanilang panalangin ang kanyang ina noong nakaraang buwan.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel