Netizen, nagulat nang malamang "edible" pala ang straw ng kanyang inumin

Netizen, nagulat nang malamang "edible" pala ang straw ng kanyang inumin

- Viral ngayon ang post ng isang netizen kung saan ikinagulat niya na pwedeng kainin ang straw sa nabili niyang inumin

- Itsura rin umano ito ng pangkaraniwang straw kaya naman hindi niya inakala na 'edible' pala ito

- Nang makuha na niya ang order sa coffee shop sa San Pablo City, saka lang sinabi sa kanya ng staff ng shop na pwedeng kainin ang straw

- Natuwa naman ang netizen dahil malaking tulong na sa ating kapaligiran ang paggamit ng edible straw

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kinagiliwan online ang post ng netizen na si Astro Paul kung saan ipinakita niya ang nakain niyang straw mula sa inuming nabili niya sa isang coffee shop sa San Pablo City.

Nalaman ng KAMI na edible straw umano ang ginagamit sa EhKape San Pablo City! kung saan nabili ni Astro ang kanyang iced coffee.

Read also

Nestle Chuckie, ipina-Tulfo dahil sa kakaibang itsura at lasa nito

Sa kanyang Facebook post noong June 8, proud na ibinahagi ni Astro na kumain siya ng straw.

Netizen, ipinakita ang straw na kanyang nakain sa inuming nabili niya sa San Pablo City
Photo from Astro Paul
Source: Facebook

Wala raw kaalam-alam si Astro at ang kanyang mga kasama na edible o pwedeng kainin ang straw .

Sinabi lamang daw kasi ito ng staff ng coffee shop nang makuha na nila ang mga inumin bago sila umalis.

Kwento ni Astro, itsurang ordinaryong straw daw ito. Matigas at hindi naman basta lumalambot o natutunaw sa kanilang iced drinks.

Nang kanya na itong tikman, halos wala raw itong lasa. Marahil, ginawa ito upang hindi makaapekto sa flavor ng inumin na paggagamitan ng straw.

Ibinahagi ito ng netizen sa sobrang tuwa dahil malaking tulong na sa ating kapaligiran ang paggamit ng edible straw kapalit ng plastic straws.

"This is a great action for the protection and conservation of the environment because our country is one of the biggest contributors of plastic wastes in the ocean."

Read also

Tim Sawyer, nasaktan matapos daw tanggalan ng karapatang makita ang anak

Hiling din niya na pamarisan na ito ng mga food business upang tuluyan nang mabawasan ang labis na paggamit ng plastic.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang una nang naiulat ng KAMI na ilang local farms na ang gumagamit ng dahon pambalot ng kanilang mga produkto. Ito ay isang hakbang upang tuluyan nang makaiwas sa paggamit ng plastic.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Samantala, isang "online plaengke" rin ang hinangaan dahil sa paggamit ng mga bayong na pangdeliver ng kanilang mga produkto. Malaking bagay din ang paggamit nito sa ating kapaligiran dahil maaring magamit pa muli ang mga bayong.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica