Nico Bolzico, pinagtulungang i-prank nina Alodia, Wil at ng bayaw niyang si Erwan

Nico Bolzico, pinagtulungang i-prank nina Alodia, Wil at ng bayaw niyang si Erwan

- Marami ang naaliw sa ibinahaging video ni Wil Dasovich sa kanyang YouTube channel kung saan nabiktima ng prank si Nico Bolzico

- Kung kadalasan ay si Nico ang laging nangbibiktima, sa nasabing video ay pinagtulungan nina Erwan Heussaff, Wil Dasovich at Alodia Gosiengfiao si Nico

- Napaniwala ito na nagtatampo sa kanya si Alodia dahil sa kanyang mga biro sa kanyang mga ginawang video

- Agad naman nilang tinigil ang prank nang makitang tila apektado na masyado si Nico sa kanilang prank

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa isang pambihirang pagkakataon ay nabiktima ng prank ang mahilig mang-prank na si Nico Bolzico. Nagkakuntsabahan sina Erwan Heussaff, Wil Dasovich at Alodia Gosiengfiao na i-prank si Nico.

Nico Bolzico, pinagtulungang i-prank nina Alodia, Wil at ng bayaw niyang si Erwan
Nico Bolzico (@nicobolzico)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Tito Vince at Tatay Elon, nagkaprangkahan tungkol sa mag-inang Toni at Tyronia

Sa video na ibinahagi ni Wil ay makikita ang tagpo kung saan dumating si Nico at bumati sa kanila. Gayunpaman, napansin agad nito na tila matamlay si Alodia at biniro niya pa ito.

Sinabi naman ni Wil na may sama ng loob si Alodia sa kanya dahil umano sa nasabi nito sa kanyang ginawang video.

Bilang malapit na magkakaibigan, mahilig silang maglokohan sa mga content na ginagawa nila. At kadalasan ay si Nico ang gumagawa ng prank.

Makikita sa video na todo paliwanag si Nico kay Alodia. Si Alodia naman ay tila pilit at limitado ang reaksiyon kaya ayon sa mga netizens ay kapani-paniwalang masama nga ang loob nito.

Tila hindi naman nila natiis na hindi komportable si Niko kaya hindi nila masyadong pinatagal ang prank at agad din nilang sinabi iyon sa kanya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Read also

Buboy Villar, binati si Angillyn Gorens sa kaarawan nito

Si Nico Bolzico ay isang Argentinean Business Executive mula sa Esperanza, Santa Fe, Argentina. Siya ang founder ng LM10 at Siembra Directa Corp.

Ang kanyang bayaw na si Erwan Heussaff naman ay isang Filipino-French na content creator na nakilalal sa kanyang vlogs tungkol sa food, traveling, at fitness. Asawa siya ng Kapamilya star na si Anne Curtis at nakababatang kapatid ni Solenn Heussaff.

Sina Nico at Erwan ay malapit sa isa't-isa. Sa katunayan, marami sa kanilang mga social media posts ay magkasama sila. Matatandaang nag-viral ang kanilang video kung saan ginaya nila ang ilang couple yoga poses.

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kinaaliwan kamakailan ang reaksiyon ni Nico sa kanyang anak na si Thylane na gustong halikan ang anak ni Georgina Wilson.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel