Direk Darryl Yap, nagpatutsada sa pasaring ni Angelica Panganiban sa Red Cross

Direk Darryl Yap, nagpatutsada sa pasaring ni Angelica Panganiban sa Red Cross

-Hindi naiwasan ng direktor na si Darryl Yap na magpasaring ukol sa isyu na kinasangkutan ni Angelica Panganiban

-Sabi pa ni Yap, nakakadismaya raw ang ginawa ng Red Cross kay Panganiban na isinawab nila ang kasama nito sa loob ng kotse nito

-Kamailan lang nang mag-tweet ang aktres ukol sa dimano'y pang-iisnab sa kanila ng Subic Red Cross

-Ngunit agad naman itong sinupalpal ng ilang frontliners at nilinaw ang kanilang panig

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi naiwasan ng direktor na si Darryl Yap ang ihayag ang kanyang pagkadismaya ukol sa isyung kinasangkutan ng aktres na si Angelica Panganiban at ng Red Cross sa Subic.

Sa isang Facebook post, inihayag ng direktor ang kanyang opinyon ukol sa isyu.

Narito ang kabuuan ng kanyang post:

"sa totoo lang, nalungkot ako.

"Ako, na isang Batang Gapo, pag nagpapaswab sa RedCross subic, pinipilit kong tiisin yung init sa waiting tent nyo, sa sobrang init hindi na ko kumakain ng Andoks dahil alam ko na pakiramdam ng mga manok nila.

Read also

Lalaking nag-iikot sa BGC at may karatulang "Check on your friends", hinangaan

Direk Darryl Yap, nagpatutsada sa pasaring ni Angelica Panganiban sa Red Cross
Photo: Director Darryl Yap with celebrity couple Jerald Napoles and Kim Molina (Darryl Yap)
Source: Facebook

"tapos may mababalitaan akong pwede naman palang magpasundot sa car; or sa artista lang pwede? pag direktor kaya pwede sa motor?

"kahit nanay-nanayan ko ang head ng SBMA—

"lagi akong sinasabihan ng SBMA Chairperson/Administrator Abe Connor—

“Bakit anak? bakit ka uunahin? sino ka ba? lahat dapat sumusunod sa dapat! PUMILA KA! SUMUNOD KA! alam mong ayaw ko ng ganyan,

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

"di bale nang mainitan wag lang may malamangang tao! at dahil nga close tayo— MAS LALO KA DAPAT SUMUNOD, as a sign of your respect to me”

"Momma, ayan ha. dapat sa car na ko swab next time. charot.

"this post is actually an expression of disappointment sa Red Cross, dahil pwede naman pala sa car; hindi naman ako pwedeng madisappoint kay Angelica kasi desisyon naman ng RedCross Subic na iswab sya sa car."

Read also

Angelica Panganiban, nagreklamo dahil sa umano'y pang-iisnab ng Red Cross

Matatandaang naging usap-usapan ang mga tweet ni Panganiban ukol sa diumano'y pang-iisnab sa kanilang ng Red Cross.

"Hello redcross subic!! Isang oras na kami sa dito sa parking area niyo. Nakaalis na din mga nakasabay namin. At inuna niyo pa yung ibang bagong dating. Okay lang naman kung palakasan :) tweet ko na lang."

Ngunit agad naman itong sinupalpal ng ilang frontliners at nilinaw ang kanilang panig. Ayon pa nga sa isang doktor, dapat ay magpublic apology si Panganiban.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Si Angelica Panganiban ay isang aktres sa telebisyon at pelikula. Nakilala sa siya sa kanyang husay sa pag-arte at pagpapatawa. Sa kanyang murang edad na anim na taong gulang, sumabak si Angelica sa pag-arte at naging bahagi ng youth-oriented show na Ang TV.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel