Alwyn Uytingco, hindi maitago ang pangungulila sa mga anak

Alwyn Uytingco, hindi maitago ang pangungulila sa mga anak

- Sa kauna-unahang pagkakatao mula nang pumutok ang balitang nagkahiwalay na sila ng asawang si Jennica Garcia, nagbahagi ng video ng mga anak niya si Alwyn Uytingco

- Inihayag niya ang kanyang pagmamahal sa dalawang anak na sina Mori at Alessi at aniya ay nami-miss niya na ang mga ito

- Matatandaang kamakailan ay inalmahan ni Jennica ang mga negatibong write-ups tungkol kay Alwyn matapos nga niyang aminin na hiwalay na sila

- Nanatiling tikom ang bibig ni Alwyn kaugnay sa isyu at wala siyang nilalabas na pahayag kaugnay dito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos nga lumabas ang balita tungkol sa hiwalayang Alwyn Uytingco at Jennica Garcia, sa kauna-unahang pagkakataon ay nagbahagi si Alwyn ng post tungkol sa dalawang anak na sina Mori at Alessi.

Alwyn Uytingco, hindi maitago ang pangungulila sa mga anak
Alwyn Uytingco (@alwynzky)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Aljur Abrenica, inamin ang tungkol sa problema nila ng asawang si Kylie Padilla

Ibinahagi niya ang maiksing video ng panganay niyang anak na aiya ay magiging future ballerina.

My future ballerina. Miss you soooo much, My Mori-chan. I love you anak.

Ang kanilang bunso naman ay future mountain ranger naman.

Ang aking future mountain ranger. Mahal na mahal kita Alessi. Miss you anak!

Matatandaang matapos nga putaktihin ng pambabatikos at mga negatibong write-ups, minabuti ni Jennica na ipagtanggol ang ama ng kanyang mga anak.

Nilinaw niyang hindi pera ang dahilan ng kanilang paghihiwalay. Susubukan niya na ring umiwas sa mga tanong patungkol kay Alwyn upang maprotektahan ang kanilang anak sa kanilang mababasa sa internet.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Alwyn Uytingco ay nagsimulang makilala sa mundo ng showbiz matapos maging bahagi ng "Ang TV." Ilan sa mga pelikulang kanyang kinabilangan ay Ang Tanging Ina kung saan gumanap siya bilang si Pip at ang 2018 film na Asuang kung saan ginawaran siya ng Best Acting Award sa Cinema One Originals 2018 International Film Festival.

Read also

Meryll Soriano, deadma sa mga bashers sa pag-iibigan nila ni Joem Bascon

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kamakailan nga ay naging usap-usapan ang balitang hiwalay na sila ng kanyang asawang si Jennica Garcia. Isang makahulugang mensahe ang kanyang binahagi kasunod ng pag-viral ng video kung saan umiiyak si Jennica.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel