Seth Fedelin, aminadong pinagselosan si Daniel Padilla na crush ni Andrea Brillantes

Seth Fedelin, aminadong pinagselosan si Daniel Padilla na crush ni Andrea Brillantes

- Walang nagawa si Seth Fedelin kundi umamin tungkol sa artistang pinagselosan niya kay Andrea Brillantes

- Aniya, nagseselos siya sa mga crush ni Andrea na artista at pinangalanan niya si Daniel Padilla bilang isa sa mga ito

- Biniro din niya si Andrea na nagseselos din naman daw ito sa vlogger na si Ivana Alawi

- Sagot naman ni Andrea, hindi naman daw nakakausap ni Seth si Ivana kaya walang dahilan para magselos siya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa kanilang Sagot o lagot challenge naitanong kay Seth Fedelin kung may artista daw ba itong pinagselosan kay Andrea.

Hindi pa agad sinagot ni Seth ang tanong dahil nagdududa siya kung kailangan bang pangalanan ang artistang pinagselosan niya.

Seth Fedelin, aminadong nagseselos kay Daniel Padilla na crush ni Andrea Brillantes
Seth Fedelin and Andrea Brillantes (@blythe)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Bearwin Meily, kinumusta ni Ogie Diaz; naiyak nang mabanggit si Bayani Agbayani

Inamin niyang pinagselosan niya ang mga artistang crush ni Andrea at isa na nga rito si Daniel Padilla.

Biniro din nito si Andrea na nagseselos din ito kay Ivana Alawi. Gayunpaman, ayon kay Andrea, hindi niya pinagseselosan ang kanyang ate Ivana dahil siya ang nakakausap nito at hindi si Seth.

Narito naman ang reaksiyon ng kanilang fans na kinilig sa pag-amin ni Seth:

Hay naku sethdrea grabe I'm 38 but Im so kilig with this 2...nakakatuwa talaga samahan nyo so real and honest with each other...gusto ko ung part na hinila tumbler sabay inom pero wala palang tubig!! Sobrang natawa talaga ako dun!! Fun moments with sethdrea...luv u both babies!
Gusto ko yung reaction ni Blythe nung sinabi na ni Seth kung sino pinagseselosan niya kay B! satisfied si marssss!
Yng ugali ni seth katulad ni DJ talaga

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Read also

Miss Canada Nova Stevens, nilinaw na malaki ang pasasalamat kay Michael Cinco

Si Seth Fedelin ay unang nakilala sa showbiz matapos maging housemate sa Pinoy Big Brother. Matapos nito ay naging bahagi siya ng panghapon na teleserye ng ABS-CBN na kadenang Ginto. Dahil sa tagumpay ng nasabing serye ay tinangkilik din ito nang ipalabas sa ibang bansa.

Dito nakatambal ni Seth ang napapabalitang kasintahan nitong si Andrea Brillantes. Matatandaang inilarawan ni Seth na ang kanilang friendship ni Andrea bilang "special."

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Ikinabigla naman ni Seth Fedelin ang hiningi sa kanya ni Andrea na blender na nagkakahalaga ng 50K at isang kabayo.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel