Zaijian Jaranilla, hinablot ng isang foreigner matapos mapagkamalang nagnakaw

Zaijian Jaranilla, hinablot ng isang foreigner matapos mapagkamalang nagnakaw

- Binahagi ni Zaijian Jaranilla ang kanyang naging karanasan sa taping ng American crime drama series na “Almost Paradise"

- Naikwento niyang naging maayos ang pagtanggap sa kanya ng kanyang mga co-actors sa nasabing series

- Ang ginampanan niyang karakter ay isang batang kawatan at naikwento niyang hinablot siya ng isang foreigner

- Inakala nitong totoong magnanakaw si Zaijian kaya hindi nito hinayaang makatakbo ang binata

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa isang panayam ay naikwento ni Zaijian Jaranilla ang tungkol sa kanyang karanasan bilang bahagi ng American crime drama series na “Almost Paradise."

Bilang baguhan ay nailang umano makipag-usap sa mga kasamahang foreigner, naging limitado ang pakikipag-usap ni Zaijian sa kanyang mga katrabaho.

Zaijian Jaranilla, hinablot ng isang foreigner matapos mapagkamalang nagnakaw
Zaijian Jaranilla
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Ivana Alawi, ipinasilip ang "sari-sari store" sa loob ng kanyang bonggang customized van

Kwento pa niya, nang i-shoot nila ang eksena niya ay isang foreigner ang humablot sa kanya sa pag-aakalang isa siyang tunay na magnanakaw. Gayunpaman, agad umanong pinaliwanagan ng mga staff ang foreigner na bahagi lamang iyon ng kanilang shooting.

“May isang foreigner na hindi kasama sa scene, akala niya nagnakaw talaga ako, so hinatak niya ako. Tapos nag-cut. Chineck ako ng mga staff kung okay lang ba ako tapos in-explain doon sa foreigner na film lang.”

Kasama si Zaijian sa episode ngayong Linggo (Mayo 9) na mapapanood ng 8:45 pm sa Kapamilya Channel at A2Z, at may streaming sa iWantTFC at Kapamilya Online Live sa Facebook at YouTube para sa mga nasa Pilipinas.

Sa inilabas na teaser sa social media, makikita ang young star kasama ang beteranong aktor na si Art Acuña, na gumaganap bilang Detective Ernesto Alamares sa programang handog ng Electric Entertainment at ABS-CBN.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Read also

Lola na nakuhanan ng litrato sa ginawang pader ng BuCor, emosyonal na nagkwento

Unang nakilala si Zaijian Jaranilla at sumikat bilang child actor sa kanyang mga roles bilang 'Santino,' sa teleseryeng 'May Bukas Pa.'

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Sa kabila ng kanyang naging panimulang role nang sumabak sa pag-aartista, sinabi ni Zaijian na bukas siya sa pagganap sa mga gay roles.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate